WALANG BATANG MAIIWAN…

            Sa kabila ng pandemya nananatili pa rin ang layunin ng Department of Education ang layuning walang bata ang maiiwan..Hindi hadalang ang pandemyang COVID-19 upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Iba’t ibang estratehiya at programa ang inilahad ng Department of Edukasyon upang matugunan ang suliranin ng  pagkakaroon ng face to face classes. Sa…


            Sa kabila ng pandemya nananatili pa rin ang layunin ng Department of Education ang layuning walang bata ang maiiwan..Hindi hadalang ang pandemyang COVID-19 upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Iba’t ibang estratehiya at programa ang inilahad ng Department of Edukasyon upang matugunan ang suliranin ng  pagkakaroon ng face to face classes. Sa tulong ng mga guro at ilang kawani ng Department of edukasyon ay naisakatuparan at napagtagumpyan ang nakaraang school year 2020-2021 kung kailan unang nagkaroon ng learning modalities ang mga mag-aaral. Marami ang natakot at nangangamba sa bagong paraan ng pag-aaral ng mga bata lalo na ang mga magulang. Ilan ang nag-alinlangan dahil baka ito ay hindi epektibo para sa kanilang mga anak. Ngunit hindi tayo binigo ng pagkakataon dahil sa pagtitiyaga ng mga magigiting nating guro ay nakatapos ng isang taong panuruan ang ating mga mag-aaral. Ngayon ay nasa ikalawang taon na ang mga mag-aaral sa ganitong paraan ng pag-aaral. Gumagamit ng module, LMS, online modality ang ilan sa kanilang pag-aaral. Ang pagpili ng modality ay batay sa kakayahan ng mga bata. Kung mayroong internet ay maaring mag-online class samantalang ang wala namang kakayahan na makaconnect ay sa modular na lamang. Hindi pinipilit ang lahat ng mag-aaral na mag-online class sapagkat hindi lahat ay mayroong gadget o computer na maaring gamitin. Maswerte na lamang ang ilan na pinagkalooban ng libreng tablet o laptop ng kanilang munisipilidad o pribadong mamamayan.

Ang mga guro naman sa mga pampublikong paaralan ay pinagkalooban ng DepEd ng libreng simcard na mayroong libreng load at data samantalang ang ilan din ay nakatanggap ng libreng laptop mula sa kanilang mga munisipyo. Ang Department of Education ay naniniwala na mapagtatagumpayan nating lahat ang pandemyang ito. HIndi ito isang balakid upang hindi maipagpatuloy ang pagbabahagi ng kaalaman at pagkatuto ng ating mga kabataan.

By: Mayette G. Garcia | Teacher III | BNHS