WIKA NG ATING LAHI, DANGAL NG BAWAT ISA

Sa bawat titik at pantig, ating wika’y binubuo,Wikang Filipino, sa puso’y yumayabong,Sa bawat salita’t pahayag, diwa’y may buhay na totooPagmamahal sa ating wika, kailanma’y di maiwawaksi. Sa wikang Filipino, damdamin ay naipapakita,Saloobin at pangarap, Pilipino sa salita’y nagagalak,Bawat tunog ay musika, sa pandinig ng bawat isa,Sa wikang ito, tayo’y nagiging isa, sa puso’t isip at…


Sa bawat titik at pantig, ating wika’y binubuo,
Wikang Filipino, sa puso’y yumayabong,
Sa bawat salita’t pahayag, diwa’y may buhay na totoo
Pagmamahal sa ating wika, kailanma’y di maiwawaksi.

Sa wikang Filipino, damdamin ay naipapakita,
Saloobin at pangarap, Pilipino sa salita’y nagagalak,
Bawat tunog ay musika, sa pandinig ng bawat isa,
Sa wikang ito, tayo’y nagiging isa, sa puso’t isip at salita.

Sa ating mga tula, kwento, at awit, wikang Filipino’y ginagamit,
Kaya’t kayamanang di malulupig ng sinumang dayuhan,
Tayong mga Pilipino tagapagbandila ng ating lahi’t kultura
Pagmamahal sa ating wika, walang katumbas na halaga.

Kaya’t Wikang Filipino ipagmalaki, ipaglaban at ingatan,
Wikang Filipino, ating yamang pinagpala’ t pinagmulan,
Sa bawat henerasyon, dapat itong ingata’t pahalagahan,
Pagmamahal sa’ting wika, pag-ibig sa ating bayan.


Next