Makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon ang wika . Ang wika ay binubuo ng mga salita na nagsisilbing instrumento sa pagbabago ng pananaw ng kapwa sa reyalidad lalo na kung maayos itong ginagamit (Fortunato at Valdez, 1995) Ang wika ay gamit sa komunikasyon at binubuo ito ng mga tunog;
Ang wika ay masistemang pag-aayaw-ayaw ng lipon ng mga salita na ginagamit sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin na tangi sa isang pangkat ng tao sa isang pamayanan o bansa; Ang wika ay isang may kaayusang sistema ng mga tunog na gamit sa interpersonal na komunikasyon at nakagagawa nang puspusang pagkakatatag ng mga bagay, pangyayari at mga proseso ng mga karanasan ng tao .
Ang wika ay isang sitematikong paraan ng pakikipagkomuniksayon ng mga ideya o damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng kombensyunal na mga pananda, tunog, kilos o galaw na mayroong talastas na mga kahulugan .
Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining. Karaniwang di totoong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga’y kung paano ginagamit ng maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan.
Lahat marahil ng mga guro ay naghahangad na maging masaya at kawili-wili ang bawat klase nila. Iba’t-ibang paraan ang naiisip nila upang maging maayos ang kominikasyon sa kanyang mag-aaral. Gumagamit sila ng iba’t-ibang dulog o estratehiya upang sumigla ang kanilang klase.
May mga pag-aaral na nagsasabing wala naman talagang makabagong dulog o estratehiya na epektibo sa pagtuturo ng wika. Ang mga dulog integratibo, interaktibo , kolaboratibo at iba pa, sa unang pandinig ay waring bago subalit ang totoo, ang mga ito ay matagal nang ginagamit sa pagtuturo. Maaaring sa kasalukuyan ay nagkaroon lamang ng panibagong katawagan. Anumang estratehiya o metodo ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uri ng aralin, mag-aaral (edad, antas ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral, motibasyon at kahandaang kognitibo at, emosyonal), kapaligiran at layunin ng pagtuturo.
Sanggunian: Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Makati: Grandwater Publications ang Research Corporation
Webster New International Dictionary, 1961:1270);
By: Ms. Joanna Marie C. Ramos | Teacher 1 | Mariveles National High School – Cabcaben Annex 2 Batangas 2