W – alang ibang wika na gaganda sa ating Wikang Pambansa.
I – to ay kaluluwa ng ating bayan at pagkamamayan.
K – atuwang sa pag-iingat sa ating panitikan at kasaysayan.
A – mbagan natin siya ng mga salita mula sa mga wikain sa ating arkipelago.
N – atatangi at may gandang kakaiba sa lahat.
G – amitin sana natin sa bawat pagkakataon ang wikang kumakatawan sa ating damdamin.
F – ilipino, may sariling pagkakakilanlan.
I – nihanda niya tayo sa makabansang pagkakaisa.
L – ahi natin ay dakila dahil sa wikang ipinaglaban
I – pagmalaki sana natin sa pamamagitan ng paggamit sa pananalita at dakilang panulat.
P – ayapang Pilipinas ang nalikha sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
I – pahayag natin ang dakilang lahing Filipino.
N – ilalayon nitong pag-isahin ang sinilangang archipelago.
O – bligasyon at pananagutan na ating pag-ingatan, gamitin at pagyamanin ang wika ng ating kakanyahan.
By: Vilma S. Pelayo | Teacher III | Olongapo National High School | Olongapo City