Ang ABAKADA….mga unang katagang namumutawi sa ating mga labi ay ngpunla ng munting aral sa murang kaisipan, mula sa simpleng titik ng Alpabeto hanggang sa mabuo ang mga salitang gamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan kanino man . Kalimitan naging bukangbibig upang magkaroon ng pagkakaunawaan at maipahayag ang sariling damdaming laman ng puso’t isipan. Gaano ba kabisa ang epekto ng paggamit ng sariling wika upang mapaunlad at mapagyabong ang kamalayang huhubog sa ating sariling pagkakakilanlan? Paano natin yayakiapin ang sariling salita upang mahubog ang diwa sa malawak na saklaw ng mundo ng makabagong teknolohiya at samu’t saring impluwensya ng midya? Paano nga ba makasasabay sa Globalisadong pag-unlad ng kultura ang ating wikang pamana pa ng mga ninunong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kasarinlang ating tinatamasa sa kasalukuyan?
Kung ating bigyan pansin mayaman sa kultura ang sarili nating wika. Dito tayo nagkaroon ng pambansang pagkakaisa at pagkakaunawaan, ito,y nagsasalamin ng ating pinagmulan bilang isang lahing kayumanggi . Dahil sa pag-aaral na ginawa ng surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa Batas
Komonwelt Bilang 184 , mahusay ang pagkakalikha sa pagkakaroon ng Pambansang Wikang angkop sa diyalektong sinasalita ng higit ng nakakaraming Pilipino ang Tagalog ito ay sa pamamagitan Kautusan Tagapag ganap Blg. 134 ng Pangilong Manuel L. Quezon . Kaya naman sa pagpapatibay ng Batas Komonwelt Blg.570 , ang Wikang Pambansa isa na sa mga opisyal na wika ng bansa .
Patuloy ang pagyabong at pag-unlad ng wikang naging batayan upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan gamit ang sariling wika . Kaya nnaman noong Agosto 12 ,1959 tinatawag ang wikang pambansa ng nilagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran n g Edukasyon ang kautusang Blg.7. Ayon sa kautusang ito, kailanman man at tuitukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Sa kasalukuyan , naimulat ang mga kabataang Pilipino sa mga makabagong teknolohiya kung saan malaki ang naging papel sa pagtuklas ng kaalaman at pagpapaunlad ng wika. Kung nabubuhay kaya sa kasalukuyang panahon ang ating Pambansang Bayaning si Gat. Jose Rizal na isang dalubwika, ano kaya ang masasabi nya sa ating wika? Ilang Noli Me Tangere at El Felibusterismo pa kaya ang kanyang pagsusunugan ng kilay upang maipamulat sa kanyang mahal na bayan ang mga pangyayari sa bansang kanyang sinilangan?. Di nga bang alingawngaw na sa ating pandinig ang kanyang tinurang “higit pa sa hayop at malansang isda ang di marunong magmahal sa kanyang wika”. Kaya naman upang lalong mapagbuti ang paggamit ng wikang Pilipino napaploob sa Artikulo XIV ng ating konstiyusyon ang tungkol sa wika , sa Seksyon 6 , isinasaad na ang wikang pambansa ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinasat sa iba pang mga wika. Alinsunod sa itinatadhana ng batas at sangayon sa nararapat na masuring pasya ng kongreso . Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang mailunsad at paspasang itaguyod ang paggamit sa Pilipinas bilang opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sestimang pang edukasyon
Kaakibat nito ang pagpapatibay sa paggamit ng Filipino sa mga paaralan sa mga piling asignaturang Mother Tonque sa kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon bilang bahagi ng k-12 Basic education na sinimulan noong 2012. Ayon kay Tonisito Umali, Assistant Secretary ng Kagawaran ng Edukasyon ang matibay na basehan sa pagaaral na sa unang taon ng batang magaaral ay tinuturo ang mga konsepto sa kanilang lengwahe o diyalektong kinagisnan . Ito ay pinakamahusay na pamamaraan para matutunan ng bata ang nais naituro. Isa lamang itong hakbang na mapapalawig ang pagpapaunlad ng ating sariling wika .
Ano mang layuning makakatulong sa pagpapayabong at pagpapaunlad ng wika ay dapat yakapin upang magkaroon ng matibay na pagkakabuklod-buklod ang wikang Pilipino . Saan mang panig ng mundo nananalaytay sa atin dugo ang ang pagiging tunay na Pilipino. Dugong Maharlika at kulay kayumangging kagalingan ay mnakatatak sa puso ang sariling wika , sariling pagkakakilanlan simbolo ng kagitingan . Taas noo nating ipinagmamalaki na ang wikang Filipino ay dangal ng lahi ko.
By: Charisse Joy A.Isip / T-I /New Cabalan Elementary School, / New Cabalan ,Olongapo City