Bilang pagtugon sa SIM Card Registration Act, ang Orion Tech4ED Center, sa pangunguna ng ating Punong Bayan Antonio L. Raymundo Jr., ay nagsagawa ng SIM registration event. Pangunahing binigyang-priyoridad dito ang ating mga senior citizen upang matiyak na maayos silang mairehistro at hindi mahirapan sa proseso.




