Ginunita ng probinsya ng Bataan ang isa sa mga pinakamakasaysayang kaganapan sa ating bansa na kung saan kinikilala ang kagitingan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano laban sa mga Hapon. Ito ay taunang ipinagdiriwang tuwing ika 9 ng Abril na kilala din bilang “Fall of Bataan.” Ang tema ngayon ng naturang okasyon ay “Parangal sa mga Beterano, Tungo sa Bayan na Nararapat sa mga Pilipino, mga Pilipino na Nararapat sa Bayan”
Bilang bahagi ng pagdiriwang, naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan ng 8 araw na kinanatatampukan ng iba’t ibang aktibidades bilang parangal sa katapangan ng mga sundalong Pilipino noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig.
Source: Bataan Tourism
By: Alain T. Morales