ANAK

Yan ang salitang madalas mamutawi sa aking mga labi sa tuwing pumapasok ako sa classroom at magtatawag ng bata para sumagot sa aking mga tanong. Salitang totoo sa aking pakiramdam dahil ang mga estudyanteng aking tinuturuan at nakakasalamuha araw-araw ay itinuturing kong anak na kailangan kong kalingain, pahalagahan at bigyan ng atensyon at pagmamahal. May…


Yan ang salitang madalas mamutawi sa aking mga labi sa tuwing pumapasok ako sa classroom at magtatawag ng bata para sumagot sa aking mga tanong. Salitang totoo sa aking pakiramdam dahil ang mga estudyanteng aking tinuturuan at nakakasalamuha araw-araw ay itinuturing kong anak na kailangan kong kalingain, pahalagahan at bigyan ng atensyon at pagmamahal.

May mga pagkakataon na tayo ay nagagalit sa ating mga estudyante, subalit hindi nangangahulugan na hindi natin sila mahal. Gaya ng isang tunay na anak, pinagagalitan natin sila dahil nais lamang natin na sila ay maituwid. Kung kaya sa araw-araw na sila ay ating tinuturuan ay hindi natin nakakalimutan na sila ay paalalahanan.

At sa darating na panahong sila ay maglalakbay na sa landas ng buhay, nawa ay hindi nila malimutan ang mga aral na aking naitanim sa kanilang isip at puso. Nawa ay baunin nila ito.

By: CHRISTELYN R. QUIMLAT | T-I | Bataan National High School