Nandyan na si Ma’am Science!May assignment daw sabi ni Ma’am Filipino! Absent daw si Ma’am Math! Ito ang mga dialogue na karaniwang maririnig sa tuwing madadaan ako sa ilangmga classrooms sa aming paaralan. Mga dialogue ng mga highschool students. Palaisipan tuloy sa akin kung sino ba si Ma’am Science, Ma’am Filipino at Ma’am Math. Ano ba ang kanialng mga pangalan?
Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa ating mga estudyante ay ginagawi at pinipilit natin na i-memorize ang kanilang mga pangalan. Karaniwan ng nag-hahandle tayo ng apat o limang sections na may 40 hanggang 50 na bata sa bawat section sa buong school year, subalit sinisigurado natin nab ago matapos ang taong panuruan ay kilala na natin sila lahat. Mahirap at nakakalito kung minsan pero tungkulin at responsibilidad natin na sila ay kilalanin.
Bumalik tuloy bigla sa aking alala ang mga panahong ako ay nasa highschool pa. lahat ng aking mga guro ay alam ko ang mga pangalan. Hindi sa kadahilanang sila ay mga terror o masusungit, sa halip dahil sa simpleng dahilan na sila ay aking mga guro.
Subalit malaking palaisipan sa akin kung bakit ang mga estudyanteng ating tinuturuan sa kasalukuyan ay hindi man lang mabigyan ng panahon at importansya na i-memorize ang buo nating pangalan o kahit apelyido natin. Kung minsan nga ay mali pa ang spelling na kanilang isinusulat. Kilala lamang nila tayo bilang Ma’am Subject!
Nakakalungkot kung minsan kapag ito’y aking naririnig dahil tila wala silang pagpapahalaga sa atin bilang guro at pangalawang magulang na nila. Nakakalungkot na sa kabila ng paghihirap natin na maisalin sa kanila ang mga kaalamamg dapat nilang matutunan ay nababalewala pa rin tayo.
Isang reyalisasyon tuloy ang pumasok sa aking isip, na maaaring paglipas lamang ng mga ilang taon at makasalubong natin ang ilan sa kanila ay hindi na nila tayo kilala.
At naisip kong muli ang mga batang aking nadadaanan. Sana sa susunod na ako’y magagawi muli sa kanilang classrooms ay marinig ko ng tawagin nila sa tamang pangalan ang mga tinatawag nilang Ma’am Subject!
By: CHRISTELYN R. QUIMLAT | T-I | Bataan National High School