Ang ating wika ay simbolo ng ating Bansa.Hindi ka Pilipino kung hindi ka marunong ng ating sariling wika.Marami sa atin ay tila limot na ang pag kilala sa ating wika.Tila nawawalan na ng pagmamalasakit ang bawat isa sa ating wika. Marahil ay impluwensya na rin ng lumalagong teknolohiya na kung saan ay mas kinikilala ang salitang Ingles.Na isasantabi na ang ating sariling wika na kung saan ang wikang ito ay siyang nagiging simbolo ng pagka makabansa at pagka-makabayan.
Hindi naman masama ang gumamit ng ibang wika sa ating bansa.Ngunit huwag sanang kalimutan na tayo ay Pilipino at ang wika natin ay siyang kumakatawan sa bawat isa sa atin.Pagyamanin natin , palaguhin at mahalin natin ang wikang masasabi nating sa atin.Ipagmalaki na ako, ikaw tayo ay Pilipino!
Ngayong lumalawig na ang K-12 curriculum ay mas nagiging maunlad na ang edukasyon ng Pilipinas.Lalo pa at idinagdag na rin ang Mother Tongue Base bilang asignatura.Mas nakatutulong ang nasabing asignatura na ito upang mas mapadali ang pagkatuto ng ng mga mag-aaral.Dahil na rin sa dami ng wikang ating ginagamit kaya naisakatuparan ang pagdagdag ng asignatura na ito.
Ngayon ay ika-apat na taon na simula ng ipatupad ng kagawaran ng Edukasyon ang K-12 ay nakikita na ang magandang epekto nito lalo pa at malaki ang suportang ibinigay rito ng gobyerno.Marami ang umaasa na lalo pang palalawigin ang pagpapatupad nag K-12 Program upang sa hinaharap ay magkamit ng magandang bukas ang mga kabataang Pilipino.
By: Jenilla Mae O. Rodgrigo