Ang Buhay Estudyante

  Pagpasok ng klase May hawak na bente Alam nyo kung bakit? Ako’y nahuli, bwisit! Ang hirap ng English Sana di na mag English I wish Hindi dahil sa guro Dahil sa pagbabayad ako’y namumuro O, ayan na ang Recess Tapos na ang test O bakit masaya? Syempre kainan na Nako AP na Nasaulo mo…


 

Pagpasok ng klase

May hawak na bente

Alam nyo kung bakit?

Ako’y nahuli, bwisit!

Ang hirap ng English

Sana di na mag English I wish

Hindi dahil sa guro

Dahil sa pagbabayad ako’y namumuro

O, ayan na ang Recess

Tapos na ang test

O bakit masaya?

Syempre kainan na

Nako AP na

Nasaulo mo na ba

Baka quiz ko’y mababa

Kahit nangopya ka pa

Oy Research na

Makinig ka aba

Magagalit si Ma’am

Sabihing wala ka pang alam

Yehey! Uwian na

Bumalik ka may Physics pa aba

Oy maglalaro tayo

Teka, may naalala ako!

Ay Math pa. May recitation pala

Di ako handa kaya ako’y mababa

Huwag ka ng mag-alala

May likod ka pa

Filipino, Filipino

O aking nasaulo

Pinapagawa ng guro

Sumosobra na ito

 

By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan