Siguro ganito nga talaga ang buhay ng estudyante, laging nahihirapan. Project ditto, project diyan, gawa ng movie doon, ganto ba talaga? Kailangan ba pagsabay-sabayin yung mga project? Hindi ba pwedeng isa-isa lang? Hinay hinay pre! Sabi nga ng iba ang 3rd daw ang pinakamahirap na taon sa H.S. life. Para sa akin, para lang naman talaga sa aken, hindi nga, para nga talaga sa akin totoo nga ang kanilang pahayag. Kasi ba naman may journal na may movie pang gagawin at ito pa! Kailangan pang sauluhin yung “huling pahimakas” ni Jose Rizal. Bakit? Pag bumili ba ako sa tindahan, ipaparecite bas akin yon? Tatanungin ba saken kung anong nangyari doon? Hay nako! Okay lang talaga kung madaming pinapagawa eh, kaso sabay-sabay! At wag ka! May periodical pa kami, sana man lang naisipan nya na wag na kami magkaroon ng periodical, di ba? Hay! Di ko na alam ang sasabihin at gagawin ko sa ganitong uri ng mga guro, sana lang sa susunod na henerasyon di na nila ito maranasan, sana lang talaga! At sana rin , sa huling pahayag na ito na mababasa ng tao na nagbabasa ng mga telenobela ng mga sandamak-mak na estudyante ng Limay National High School. Yun lamang ang aking nais sabihin.
Salamat! Nawa’y magbago na sya! Teka, teka, teka meron pa pala, pagkayari mong magrecite kung hanggang saan lang yung nasaulo mo eh makakakuha ka pa ng 70, 72, 75. Anong magagawa nya kung di ako magaling magsaulo? Ano?Ano nga ba?
Isa pa pala, bakit may mga teacher na sadyang mayabang? Yung tipong kailangan pa sabihin yung presyo ng mga gamit nya? Bakit ganon? Hindi naman kami mamimili na kailangan ientertain at sabihin yung mga presyo ng mga product na tinitinda mo. Pwede ba? Sana lang di ka na nagteacher at nagsales lady ka na lang. Yun lang, salamat sa pagsasabi ng price ng mga gamit mo at pagbibida ng Lasalle samin. Wag ka mag-alala, ibibili kita ng sarili mong school. Hay! Nako, pero salamat pa rin sa pagtuturo nypo, alam ko naming di ako mararating tong lugar na to, kung nasaan ako, kung hindi dahil sa inyo. SALAMAT PA RIN KAHIT PAPAANO MASIPAG KAYO.
By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan