Huwag ako Pabalat, Huwag mo akong Husgahan

  “ Nakakatakot yan”, “Lagot kayo”, at “Masungit ang guro mo”, ay ilan lamang sa panakot ng mga kaguruan. Sa kabilang banda, nararapat nga bang husgahan natin sila sa kani-kanilang kaanyuan?             “Stress” pagod at maraming problema sa buhay. Nararanasan ng bawat mamamayan, lalo na ang guro na mga magulang, gising, handa ng pagkain, anak-asawa,…


 

“ Nakakatakot yan”, “Lagot kayo”, at “Masungit ang guro mo”, ay ilan lamang sa panakot ng mga kaguruan. Sa kabilang banda, nararapat nga bang husgahan natin sila sa kani-kanilang kaanyuan?

            “Stress” pagod at maraming problema sa buhay. Nararanasan ng bawat mamamayan, lalo na ang guro na mga magulang, gising, handa ng pagkain, anak-asawa, sarili-eskwela, estudyante-turo, uwi at ulit-ulitin pa. Sino nga naman ba ang hindi mapapagod sa trabaho nila?

            Sinasabing kasalanan ng guro kapag nagtanim ng sama ng loo bang bata kapag napagalitan. Kasalanan din ba nila kung nag-ingay ang mga mag-aaral? Makikipagdaldalan lamang ito kung sila ay hindi tinuturuan, at titigil naman kung biglang sasabihin ng guro, “ Wag kayong maingay, pag di ninyo ito inintindi, lagot kayo sa susunod na taon guro nyo si “bansag”.

            Sa kasunod na taon na panuruan ay takot ang mga estudyanteng mahingay. Sila ay tahimik at ni tengang hiniram, halos dumikit sa bibig para lamang marinig at maintindihan ang aralin para sa naturang aralin ngunit sa paglipas ng panahon, napatutunayan ng bawat mag-aaral na hindi katotohanan ang mga paratang.

            Marapat nating kilalanin ang bawat mamamayan bago natin sila husgahan, dahil sila ay hindi pabalat ng aklat na nakikita lamang sa silid-aklatan na hindi naman kayang basahin ng kung sinuman.

 

By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan