Ang Buhay Nga Naman…..

Ano nga bang buhay ang ninanais ng bawat indibdwal? Ang buhay na gusto niyang tahakin sa bawat landas at tinatakbo ng buhay niya sa bawat Segundo, minute at oras nito. May buhay na sagana ngunit may pakiramdam na may kulang, salat ngunit nakararamdam ng pagkakuntento at kasiyahan, yung iba di naman mawari kung nasisiyahan o…


Ano nga bang buhay ang ninanais ng bawat indibdwal? Ang buhay na gusto niyang tahakin sa bawat landas at tinatakbo ng buhay niya sa bawat Segundo, minute at oras nito.

May buhay na sagana ngunit may pakiramdam na may kulang, salat ngunit nakararamdam ng pagkakuntento at kasiyahan, yung iba di naman mawari kung nasisiyahan o may kakuntentuhan sa buhay.

Ang buhay estudyante, ito ay masasabi na masaya kahit may mga pagsubok din tulad kapag panahon ng mga pagsusulit, at pag nagkakaroon ng problema sa pagitan ng guro at ng kanyang mga kaibigan ngunit ang buhay nila ay di umiikot sa paaralan lamang.

Ang buhay ng guro, isang simple ngunit dumadating yaong mga pagkakataon na parang gusto mong sumuko lalo na pag sandamakmak ang “paperworks” at pag nagkakaroon pa ng mga taong minsan ay di mo mawari kung iyong kakampi o hindi, ngunit anupaman ang dumating kinakaya dahil sa ang iniisip pa rin ay ang kapakanan ng kanyang mga estudyante.

Ang buhay ng isang ina, sila ang pinakaabalang tao sa mundo hindi naman para sa sarili nila kung hindi para sa kanilang pinakamamahal na mga anak na kung saan ay kanya laging isinasaisip ang kapakanan nila lalo na sa pang araw-araw na ihahain sa hapag kainan.

Ang buhay ng isang nagdadalantao, sila ang mga tao na kung saan ay di mo maintindihan ang pakiramdam na emosyunal kasi pabago bago nariyang masaya tapos bigla na lang malungkot na maiinis daig pa yung tinatawag na “moody” ngunit ito raw ay bahagi ng kanyang pagbubuntis na talagang dumarating sa buhay pagdadalantao.

Ang buhay ng “single”, masarap yata ito kasi di gaanong kabigat ang iyong iisipin pa dahil nga “on your own” ka pa lang kumbaga wala ka pang dapat na isipin at kung minsan ikaw na mismo ang may hawak ng iyong oras.

Ang buhay nga naman di mo talaga mawari kung saan patutungo bago ito mawalan ng saysay dapat itong gamitin nang maayos at kapaki pakinabang hindi lamang sa iisa kundi sa “common good” bago bawiin nang nagpahiram nito ay haharap tayo sa Kanya ng may masasabing magandang nagawa sa ating buhay….. ang buhay nga naman….. di biro kung paano haharapin at lalagpasan mga pagsubok na minsan ay nakakawalang pag-asa ngunit pag agad na sinukuan ay ikaw ang talo dahil di mo ito naharap ng bbuong tapang at lakas.

By: JANICE M. CASTILLO | Teacher I | Mariveles National High School | Cabcaben, Mariveles, Bataan