“ANG MAGANDANG DULOT NG PAGBABASA”

Sa ating pagsisimula sa paaralan, Ang mga kahusaya’y ating nasisimulan Ang mga kakayahan nati’y magkang natutuklasan Pagbilang, pagsulat at pag- awit, lahat ay mayroon niyan. Ngunit may isang bagay akong labis na kinagigiliwan, Na sa murang edad ko’y akin nang natutunan. Paghawak sa mga aklat ay di ko mapigilan, Nang pagkahumaling sa pagbasa’y aking nasimulan.…


Sa ating pagsisimula sa paaralan,

Ang mga kahusaya’y ating nasisimulan

Ang mga kakayahan nati’y magkang natutuklasan

Pagbilang, pagsulat at pag- awit, lahat ay mayroon niyan.

Ngunit may isang bagay akong labis na kinagigiliwan,

Na sa murang edad ko’y akin nang natutunan.

Paghawak sa mga aklat ay di ko mapigilan,

Nang pagkahumaling sa pagbasa’y aking nasimulan.

Sa pagbabasa’y aking nalaman,

Iba’t iabng mundo’y aking napupuntahan.

Imahinasyon ko’y lubos ang kasiglahan,

Sa mga kataga’t imaheng aking naisasalarawan.

Hindi naman mahirap ang magbasa,

Kung tutuusin pa nga, ito’y masaya.

Ang pagkatuto mo dito’y tiyak na mabisa,

Sa magiliw at madalas na ugali sa pagbasa.

By: Rodolfo N. Ariola, Jr. | T-I | Cabcaben Elementary School