Ang Pagbabalik ng A.P.(Araling Pnlipunan)

             Sa pagkakaroon ng ng panibagong kurikulum sa elementarya ang K-12 ay muling binuhay ang asignaturang Araling Panlipunan kung saan nagkaroon ng iba’t ibang katawagan .Sa nakaraang kurikulum BEC at RBEC ito ay nagging Sibika at Kultura sa primarya at HEKASI sa intermediate kung saan ito ay bahagi lamang ng…


             Sa pagkakaroon ng ng panibagong kurikulum sa elementarya ang K-12 ay muling binuhay ang asignaturang Araling Panlipunan kung saan nagkaroon ng iba’t ibang katawagan .Sa nakaraang kurikulum BEC at RBEC ito ay nagging Sibika at Kultura sa primarya at HEKASI sa intermediate kung saan ito ay bahagi lamang ng asignaturang MAKABAYAN.

          Ngayon sa bagong kurikulum ito’y muling ibinabalik bilang isa muling akademikong asignatura (core subject) na kung saan ay mayroon lamang na ispesipikong lawak ng aralin. Ang Araling Panlipunan ngayo ay nakapokus lamang sa sariling lalawigan at rehiyon sa ikatlong baiting. Halimbawa ang Bataan sa isang taong panuruan ay pagaaralan ang heograpiya, kasaysayan,topograpiya,kultura,produkto,hanapbuhay, at iba pang bagay na tungkol sa lalawigan kasama ring tatalakayin ang kaparehas na aralin sa nasasakupang rehiyon.

       Sa pagbabalik ng asignaturang ito ay magkakaroon ang mga mag-aaral ng sapat na pagkakataon upang malaman ang lahat ng bagay na may kinalaman sa ating bayan,lalawigan at rehiyon,katulad ng mga makasaysayang pangyayari,kultura,magagandang lugar at tanawin na nasa tabi lamang ngunit hindi natin nararating. Nakalulungkot mang marinig ngunit nagiging banyaga tayo sa ating sariling bayan.

      Napakaganda ng layunin ng kanyang muling pagbabalik ang kailangan lamang ay ang pagsasakatuparan upang makahubog ang mga paaralan ng mga batang may malawak na kaalaman pagdating sa sariling lalawigan at rehiyon mga mag-aaral na magpapaunlad sa kultura at may adbokasiya sa pagmamahal sa bayan.

By: Mrs. Rosario T. Rodrigo | Master Teacher 1 | Limay Elementary School | Limay, Bataan