Madalas na eksena sa loob ng silid-aralan ang nakasimangot na mukha ng guro kapag ang kanyang katanungan ay hindi nasagot ng maayos o tama ng isang mag-aaral. Naitatanong naman kaya ng guro sa kanyang sarili kung bakit? Maaaring ilan sa mga kasagutan ay; hindi nagbasa o nag-aral ng leksiyon ang mag-aaral, maaari din namang hindi interesado ang bata sa paksang tinatalakay, possible din na maingay ang mga kamag-aral at ang kapaligiran, higit sa lahat, baka hindi naunawaan ang binitawang katanungan ng guro.
Ang sabi ni Corpuz at Salandanan (2007) may dalawang uri ng katanungan para sa mga mag-aaral. Ang una ay ang low-level questions, na nangngailangan din ng mga kasagutang low-level. Karamihan sa mga tanong na ganito ay nahahanay sa recall o mga factual na kasagutan. Halimbawa: Saan lugaripinanganak ang ating pambansang bayani?Anong taon naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ang ikalawang uri ay ang high-level questions, kailangang may mataas na antas ng pag-iisip ang mga mag-aaral na tatawagin upang sumagot sa ganitong mga katanungan. Halimbawa: Bakit nagkakaroon ng high tide at low tide?Ipaliwanag ang ibig sabihin ng El Nino at La Nina?Kadalasan ang mga katanungang high-level ay nagsisimula sa mga salitang Bakit? Papaano? O Ipaliwanag
Maraming dahilan kung bakit di –makasagot ang mag-aaral sa tanong ng guro. Batay sa
mga komento at reaksyon ng mga guro sa paksang ito. Kung ganoon, papaano pa mapauunlad ng isang guroang kanyang pagtatanong sa mga mag-aaral? Ang mga sumusunod ang mga naitala nilang dahilan kung bakit di makasagot ang karamihan sa mga mag-aaral sa katanungan ng guro:
Unang-una, dapat na pag-aralan o analisahin ang sariling istilo ng pagtatanong ng guro sa pagbibigay ng mga katanungan. Maaari niyang imbitahan ang kapuwa guro upang siyang magbigay ng puna tungkol sa mga sumusunod:
- Uri ng Katanungan na madalas iutanong.
- Oras na itinatagal sa paghihintay ng kasagutan mula sa mga mag-aaral.
- Dami ng tanong na ibinigay ayon sa uri, low or high level questions.
- Uri ng mga kasagutan na ibinibigay ng mga mag-aaral.
- Bilang ng mga batang tinatawag para sumagot ng mga katanungan.
- Pagbibigay papuri sa mga batang nakasasagot sa mga katanungan.
Kung ang mga ito ay masusunod magkakamit ng masining na pagtatanong ang isang guro, at makakamit niya ang mga tamang kasagutan.
Sanggunian:
Brenda Corpuz & Gloria Salandanan.Questioning and Reacting Techniques. Principles of Teaching I. Lorimar Publishing Inc.Quezon City.( 2007)
By: Jackielou B. Guinto | Teacher III | SAMAL NATIONAL HIGH SCHOOL | Samal, Bataan