Ang bawat tao’y sadyang katangi- tangi,
Pinagmulan man ay ibang kultura’t lahi.
May makinis na kutis, malaporselana’t maputi,
Basta’t kalooba’y dalisay at sadyang mabuti.
Ang agos ng buhay ay patuloy ang daloy,
Masarap ang mabuhay, sinlasa ng Saroy.
Maging ikaw man ay paslit na Totoy,
Maging mabait lang, ika’y magpatuloy.
Sabi ng aking ina, kanyang paalala,
Hindi mahalaga ang panlabas na hitsura.
Hindi naman talaga uso ang salitang masura,
Sapagkat tayo’y mahalaga, huwag ituring na basura.
Ang tunay na kagandahan ay mayroong sukatan,
Ito’y nakikita sa busilak na kalooban.
Maganda ka man ngayon sa paningin ng karamihan,
Pasalamat ka sa Diyos, puso mo’y puno ng kabutihan.
By: Rodolfo N. Ariola, Jr. | T-I | Cabcaben Elementary School