ANO ANGMGA KATANGIAN NG ISANG GURO NA INAASAHAN NG ISANG PUNONG-GURO

Patuloy na dumarami ang mga nagtapos ng high school ang nagnanais na kumuha ng kursong pagtuturo sa ating bansa, at ito ay sa ibat’-ibang kadahilanan.  May kumukuha ng kursong pagtuturo dahil naging inspirasyon niya ang kanyang mga naging guro, mayroon namang dahil sa mas mababa ang halaga ng tuition fee sa kursong ito.  Mayroon namang…


Patuloy na dumarami ang mga nagtapos ng high school ang nagnanais na kumuha ng kursong pagtuturo sa ating bansa, at ito ay sa ibat’-ibang kadahilanan.  May kumukuha ng kursong pagtuturo dahil naging inspirasyon niya ang kanyang mga naging guro, mayroon namang dahil sa mas mababa ang halaga ng tuition fee sa kursong ito.  Mayroon namang na-engganyo ng mga kaibigan, at ng iba’t-iba pang kadahilanan.

                 Kung sakali namang makatapos ng pag-aaral sa kursong ito, ay kakaharapin naman ng mga nagtapos ay ang kanyang pag-aaply para  makapagturo.  Sa pag-aapply ay dapat magpakitang- gilas ang guro  sa pagsagot sa mga katanungan ng panayam o interview ng Panel, ang pagsagot sa ” English Proficiency Test “ at ang mas mabigat ay ang “Demonstration Teaching.”

                Kung sakali namang nasa Top 10  siya sa ranking at matanggap  na sa daigdig ng pagtuturo, ano-ano naman ang mga katangian na dapat niyang taglayin , bukod sa mga nabanggit.

                Halos karamihan sa mga punong-guro ay hinahanap ang mga sumusunod na mga katangian sa isang baguhang guro:

Alab ( Passion ). Ang maalab na damdamin sa pagtuturo ay masusing hinahanap ng punong-guro sa isang baguhang guro.  Ang isang guro na maalab sa pagtuturo ay matiyaga sa paghahanap ng mga bagong bagay sa pagtuturo para sa kanyang mga tinuturuan.

Malakas na Pakiramdam ( Sensitivity )  Dapat na makilala ng mga guro ang kanyang mga estudyante at dapat na ibagay niya ang mga gawaing ipagagamit sa mga mag-aaral.  Dapat niya ring mabigyan ng mga kinakailangang aralin ang mga tinuturuang bata alinsunod sa Curriculum.  Ang mga punong-guro ay hinahanap ang mga guro na tumutuklas sa  kakayahan ng mga mag-aaral, sa kanilang mga interes, maaaring ito ay sa musika, sining, sports, pagsulat at iba pa.

May Pusong Pagtuturo

               Ang isang magaling na guro ay nagtuturo ng may puso.  Hindi lamang dapat na matalino ang guro. kahit may average na katalinuhan kapag may puso sa pagtuturo ay may pagkakataong magtagumpay kumpara  sa isang guro na sobra ang talino sa pang-akademikong karunungan.

May Malakas na kasanayan sa Pakikipagugnayan at Kakayahang Makapagpatawa o Makapagpasaya

Ang sabi ni Magbuhat (2005) na hinango  sa aklat na Seven Habits of A Highly Effective People na sinulat ni S.Covey,”– Ang alinmang  gawain daw ay kasangkot ang 80% ng pakikipag-ugnayan, lalong- lano na ang guro sa kanyang mga estudyante.  Ang kakayahang makapagpatawa ng mga mag-aaral, ay nagpapakita na ang guro ay may sapat na tiwala at kakayahang  makipag-ugnayan sa kanyang mga estudyante.  Ang magaling na guro ay hindi nag-aalinlangan na magsingit ng“ patawa” o “humor” sa mga lessons o aralin upang mapabilis ang proceso ng pagkatuto.

              Ang lahat ng ito ay magkakaroon ng katuparan sa matiyagang paggabay ng punong-guro.

 

Sanggunian:

Magbuhat, L. L  “Qualities that Principal’s Look for A Teacher.  Education Magazine Vol. 2  Issue            7 ( 2006 ) 

By: JACQUELINE R.DELA ROSA | Teacher I | Samal National High School | Samal, Bataan