Taon ay magbabago na,
Mananatili magagandang ala-ala,
Mga pag-subok at pagdurusa,
Na napagtagumpayan tuwina.
Isang makabuluhang taon sa lahat,
Sa mga guro at mag-aaral,
Subalit sa natitirang mga araw,
Mas matinding pagsubok ang natatanaw.
Tatlong buwan pa ang bubunuin,
Ng mga magigiting na bituin,
Ngunit pangamba at panambitin,
Wala sanang maiiwan sa amin.
Mga payo at pangaral ng iyong guro,
Laging isipin at dapat tumimo,
Upang sa pagsapit ng buwan ng Marso,
Kayong lahat ay aakyat sa entablabo.
By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School