Hawak agad ang libro na ating sanggunian.
Sa iyong unang hakbang sa ating pintuan,
Lahat ay tatayo at ika’y ngingitian,
Na animo’y ang tuwa ay abot tenga,
Ang galak sa pagbati ng magandang umaga.
Habang tayo ay nag-aaral at may napunang isang bagay,
Nagkwekwentuhan habang ikaw ay nagsasaysay,
Sasabihin mo lang ang salitang Aba Aba Aba,
Mga bubwit ay tatahimik na.
Minsan kami ay nagtatanungan,
Ano na naman kali ang kanyang kaek-ekan,
Una kami ay kumanta,tumula at iba pa,
Huwag lang sanang ipaindak ang mga paa.
Kaming lahat nagtataka,
Kung bakit tila may mata kang iba,
Sapagkat kahit nangongopya,
Pagtalikod mo’y alam mo pa.
Minsan aking naalala,
May hindi pagkakaunawaan sa aking kaeskwela,
Iyong minadaling pinatawag sila,
At iyong tuluyang tinuldukan problema nila.
Tuwing pagkatapos ng klase ikaw ay roronda,
Sa ating silid-aralan ni walang kumokontra,
Kaya kami’y otomatik na,
Pupulutin lahat ng kalat na makikita.
Aking hindi makalimutan,
Mga pagkain na iyong binibigay,
Kapag kami ay nakapagbigay,
Na pasadong markang alay.
Nang isang hapon bago tayo maghiwahiwalay,
Iyong inutusan lahat kami’y sa iyo’y sumabay,
Ang tanong namin saan kali tayo ilalakbay,
Ng ating guro at gabay?
Huminto ang sinasakyan sa isang lugawan,
Na Big Papa’s ang pangalan,
Kumulog bigla ang aming tiyan,
Sabay sabi sige tayo ay magkainan.
Iyan ay ilan sa mga hindi makakalimutan,
Na aking babaunin sa aking daanan,
Balang araw daan mo’y tatahakin din naman,
Nang isang bata na iyong tinuruan.
Basta aking pangako sa sarili at sa Poong Maykapal,
Isasalin ang dunong nyang pahiram,
Sa mga batang nag-aantay,
Nang dunong at pang-unawa sa katawan.
Mabuhay ka aking Guro!!!
By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School