PAALAM AKING GURO!!

PAALAM isang salita na mahirap bitiwan, Salita na maaring maging katapusan, Hudyat ng isang dulong laban, Na kahit sino ay walang lulukuban.   Matapos ang mahabang pamumuhay, Mga saya at lungkot na nilakbay, Mga ala-ala na laging nangingibabaw Sa mga sandaling ikaw ay hindi matanaw.   Mahirap tingnan ang iyong katawan, Sa isang sisidlan na…


PAALAM isang salita na mahirap bitiwan,

Salita na maaring maging katapusan,

Hudyat ng isang dulong laban,

Na kahit sino ay walang lulukuban.

 

Matapos ang mahabang pamumuhay,

Mga saya at lungkot na nilakbay,

Mga ala-ala na laging nangingibabaw

Sa mga sandaling ikaw ay hindi matanaw.

 

Mahirap tingnan ang iyong katawan,

Sa isang sisidlan na pang-isahan,

Mga mapuputing ilaw ang iyong liwanag,

Mababangong rosas naman sa iyong lapag.

 

Nasaan na ang gurong matibay,

Tila ngayong ay isang matigas na bangkay,

Natutulog ng pangmatagalan,

At alam nating wala ng hingahan.

 

Ikaw ay idolo ng lahat,

Kaya nga aming dala at sukat,

Mga aral mo at sabi,

Kaya ngayon kami ay laging wagi.

 

Paalam aming guro,

Ikaw ay laging nasa aming puso,

Lumipas mga panahon at oras,

Mga ala-ala mo ay walang kupas.

 

By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School