BULLYING

  Ang bullying ay isang malaking problema na kinakaharap ng mga estudyante at dapat pagtuonan ng pansin ng mga guro at mga magulang. Apat sa sampung katao ang nakakaranas ng bullying at anim sa sampung katao ang natatayang bully. Ano ba ang maaring maging epekto ng bullying sa isang estudyante? Pero bago iyan ano nga…


 

Ang bullying ay isang malaking problema na kinakaharap ng mga estudyante at dapat pagtuonan ng pansin ng mga guro at mga magulang. Apat sa sampung katao ang nakakaranas ng bullying at anim sa sampung katao ang natatayang bully. Ano ba ang maaring maging epekto ng bullying sa isang estudyante? Pero bago iyan ano nga ba ang bullying?

Ang bullying ay isang uri ng pananakot sa iba’t ibang paraan. Ang pinaka kilala sa lahat ng bullying ay ang verbal bullying. Ang verbal bullying ay ginagamitan ng mga salita maaring isinulat o ibinigkas ng bibig. Ang sumunod sa verbal bullying ay ang physical bullying. Ang physical bullying ay ginagamitan ng dahas upang makapanakot lang ng iba. Ang sexual bullying naman ay pangbabastos sa puri ng iba o sa madaling salita pangbabastos sa katawan ng iba. Ang cyber bullying naman ay isang bullying na ginagamitan ng social media, maari ka nilang siraan dito. Ang apat na natatukoy ay ang pinaka kilala pero lingid sa ating kaalaman na bukod dito ay meron pang iba.

Bakit may bully at bakit sila nambubully? Nagtanung tanong ako sa mga kabataan ng mga maaaring dahilan at ilan sa mga sagot nila ay una dahil sa mabigat na pinagdadaanan at para mapagaan ito kailangan nilang manakit ng iba. Isa rin sa dahilan kung bakit sila nambubully dahil sila ay nabubully noon at dahil sa takot na mabully sila muli ay kinakailangan nilang mambully ng iba. At ang panghuli sa lahat at pinaka madalas nilang sabihin ay “dahil masaya” nagiging masaya sila kapag meron silang naaapi.

At dahil dito nagkakaroon ng hindi magandang epekto ang bullying lalo na sa isang estudyante ito ay ang pagiging matatakutin, lack of self-confidence, pagiging loner, malungkot, hirap magtiwala, hirap makihalubilo, ayaw ng pumasok sa paaralan at magpalipat ng estudyante sa ibang paaralan. Pero ang pinaka madalas nilang sabihin ay “depressed” dahil dito lahat mauuwi ang lahat ng pangbubully na natatanggap nila. Ang depression na ito ay maaring maging dahilan ng pagpapakamatay ng mga iilan na estudyante.

Sa araw-araw laging may nabubully at nambubully sa isang paaralan. Hindi raw ito maiiwasan o mawawala sa isang paaralan. Ngunit kung patuloy pa itong iiral ay lalong lalala ang bullying sa isang paaralan. Kung kaya’t dapat pang pag-igtinggin ang pagbabantay ng mga guro at lalo na ang mga magulang sa kanilang mga anak. Pero hindi lamang sila ang kailangang gumawa ng hakbang kung hindi ang mga estudyante. Para sa mga bully isipin ang mararamdaman ng iba sa pangbubuly na ginagawa nila. Para naman sa nabubully kailangan lang magtiwala sa sarili at laging tandaan na “WALANG BULLY KUNG WALANG NAGPAPABULLY! ”

 

By: Mariane D. Naguit | Teacher I Bataan National High School | Balanga, Bataan