Guro, apat na letra ng abakada
Na kung pakikinggan ay kahali – halina
Suot na uniporme ay bumibida
Ngunit, tunay na kahulugan ay ano nga ba?
Bata pa ako ay naging pangarap na
Ang maging isang guro at magpakadalubhasa
Nagsikap mag-aral ,nagsunog ng kilay
Upang maging isang gurong tunay
Ang pagiging guro ay tunay na makabuluhan
Binabago nito ang buhay ng isang nilalang
Sinisikap naming mga mag-aaral ay merong matutunan
Sapagkat kaligayahan namin na sila ay magtagumpay
Wala kaming hinangad kundi mapabuti
Ang mga kabataan na nasa aming kandili
Mahalagang papel aming ginagampanan
Nanay, kaibigan, yaya at kasambahay
Gagawin ang lahat upang magtagumpay
Kaming mga guro ay simple lamang
Hindi naghahangad ng kahit anuman
Magsasakripisyo alang alang sa mga kabataan
Ang tanging hiling ay pakatandaan
Ang edukasyon ay kayamanan na hindi mananakaw ninuman
By: Mrs. JOCELYN B. ASUNCION Mater Teacher- I Bataan National High School