Sa pagmulat ng mga mata,matutunghayan ang realidad ng buhay na minsan mahirap maunawaan. Nahihimbing man ang kamalayan patuloy tayo sa pagtuklas sa kung ano ang bukas,nagiging pundasyon ng bawat isa sa atin patungo sa magandang araw.
Ang buhay ay maihahalintulad sa isang binhi,”kung hindi natin ito itatanim,wala tayong aanihin.”
At sino ang tutulong sa pagpapayabong upang maging maging mabunga ang binhing inihasik?
Sinasabing ang mga guro ang espesyal na nilikha ng Diyos upang siyang pumanday ng isipan at kasanayan ng isang tao.Sila ang nagiging gabay ng mga bata sa pagbuo ng kanilang mga pangarap tungo sa magandang kinabukasan.
Maituturing na isang mahabang paglalakbay ang karanasang pinagdaanan ng isang guro.Ito ay maihahambing sa Isang Paghahasik ng buto,san ba tumubo sa batuhan,dalampasigan,tigang o matabang lupa?
UNA Pagbubungkal ng lupa
Bago ka maging isang ganap nga guro,ang pagbubungkal ng lupa ay katulad ng pagpapayaman ng kaalaman sa tulong ng pag-aaral ganoon din sa pagtuturo sa mga bata,inihahanda ang kanilang mga sarili at isipan upang magkaroon ng panlaban sa mga pagsubok na kanyang nararanasan.Pinagyayaman ng mga guro ang isipan upang magkaroon ng sapat na kahandaan ang sinuman.
Paghahanda ng binhi
Matapos ihanda ang pagtataniman,ang binhi na pinagmumulan ng halaman ay kumakatawan sa mga mag-aaral na bininyagan ng kakayahang unawain at nabuhay ay binhi ng karunungang ipinunla ng kanilang mga guro sa kanila,ang kalalabasan nito ay nasa buto na lamang kung siya ay patuloy na lalago o mababansot.
Pag-aalaga sa binhi
Katulad ng siklo ng buhay ang pagbuti ng uri ng isang buhay ay nakabase sa pagtugon sa pangangailangan kung paano mabuhay,kung sa halaman kailangan ng araw,tubig,at abono.Paano kaya sa batang nag-aaral? Ang ARAW ang kumakatawan sa mga guro na nagbibigay ng bitamina o sustansya upang mapaunlad ang sarili,ito ay sa tulong ng masusing pag-aaral at pagtuturo.TUBIG ay ang gabay ng magulang na kasinghalaga ng papel ng tubig sa pagkabuhay at ang ABONO ang mga tao,bagay sa paligid na patuloy na nakakatulong upang mas yumabong ang tao dala ng kaalaman at karanasan.
Sa buhay ng halaman ay may mga insektong maaaring sumira sa kanila,ganoon din sa buhay mag-aaral maraming tukso sa paligid na maaaring sumira sa mag-aaral sa kanilang mga pangarap, ngunit sa paghahanda nating ginawa….ang paghahasik ay hindi magiging isang kabiguan,kundi magbubunga ng isang mahusay ani.
Ang mga guro ay dakilang manghahasik na biyaya ng Maykapal.Sana sa kanilang paglalakbay,pagsasabog ng punla araw-araw sa mabuting lupa sana tumubo ang mga butong ito.
Ikaw saang uri ng lupa ka bumagsak?
Ikaw ba’y naging mabuting binhi????
By: Jhonalyn P.Onsan | T-I |Bataan National High School City Of Balanga