“Dapithapon”

  “Yes! Marso na! Ilang araw na lamang ang pasok”. Narinig kong bulalas ng isang mag-aaral. Napangiti ako sapagkat iyon din ang naisip ko. Bilang isang guro, hindi lang daw mga mag-aaral ang naghihintay ng bakasyon, “lalo na kami”. Sa wakas naisip ko, mapapahinga na rin ako ng pagpupuyat sa DLL, goodbye muna sa manila…


 

“Yes! Marso na! Ilang araw na lamang ang pasok”. Narinig kong bulalas ng isang mag-aaral. Napangiti ako sapagkat iyon din ang naisip ko. Bilang isang guro, hindi lang daw mga mag-aaral ang naghihintay ng bakasyon, “lalo na kami”.

Sa wakas naisip ko, mapapahinga na rin ako ng pagpupuyat sa DLL, goodbye muna sa manila paper, teka muna laptop, tigil muna ang tunog ng ingay ng mga bata.

Kasabay nito, pinagmamasdan ko ang isa kong kasamahan na matamang nag-iisip at nagmamasid sa nangyayari sa paligid, wika niya “Dalawang linggo na lamang ang bubunuin ko, 65 na ako”, hindi ko maunawaan ang iba’t ibang emosyong lumabas sa kanyang mukha, hindi ba dapat “masaya siya”. Sabi pa niya, “sa wakas wala ng pagmamadali sa umaga dahil mahuhuli ka, matutulog ako ng matagal at magbababad sa higaan ng 33 years ko rin ‘yon na hindi nagawa”.

Habang ako ay pauwi, muli kong nilingon ang paaralang pinapasukan ko, binilang ko sa daliri ko kung ilang taon na ba ang ginugol ko dito, 18 taon na pala, nasa gitna ng karera. Napaisip ako, nausal ko sa sarili ko “Buti pa si Ma’am 2 linggo na lang, ako mahaba pa pala”.

Ano nga ba ang pakiramdam ng “paglayang” tatamasahin ng kasama kong guro. Dinama ko ang kalooban ko kung ko ba ito, ano ang nararamdaman ko, “lungkot” ang nangingibabaw sa aking puso. Dahil ang pang-araw-araw kong buhay ay umiikot sa paaralan. Mula sa paggising, ano ba ang aralin ko? Kumusta na kaya ang batang ito, wala siya kahapon. Dagdagan ko nga ang baon kong pagkain baka mayroong walang baon.

Kadalasan, nasa bahay na ako sila pa rin ang iniisip ko, maghohomevisit kaya ako bukas ng malaman ko ang problema ng batang ito. Minsan nga sa awa napapaiyak ka sa kanya. Ngunit kailangan mong tibayan ang kalooban dahil maraming umaasa pa sa iyo.

Ang isa pang naging katanungan sa puso ko, matapos ang serbisyo sa paaralan paano na kaya? May susunod pa ba? Saan iikot ang buhay ko gayong ito lang ang gawaing alam ko sa buong buhay ko. Naisip ko, dapat ko pala itong paghandaan, hindi ko pwedeng iasa ang pagtanda ko sa mga anak ko dahil magkakaroon na rin sila ng kani-kanilang buhay at pamilya.

Malungkot nga si Ma’am may takot siya sa pag-alis sa paaralan, ngunit naniniwala siyang may plano ang Diyos sa kanya dahil sa mga kabutihang naipunla niya sa napakaraming bata.

Maaaring dumating na siya sa hangganan ng kanyang paglalakbay, naisipan kong tanungin siya kung ano ang plano niya matapos ang buhay sa paaralan at masaya ako sa narinig ko mula sa kanya, mula daw sa lima niyang anak napagtapos niya itong lahat, mayroon siyang anak na inhinyero, ang pangalawa niya ang arkitekto at nasa Dubai, ang pangtlo naglilingkod sa isang tanggapan ng pamahalaan, ang pangapat may sarili ng negosyo at papaunlad na ito at ang bunso ang pinakapangarap niya sa lahat nagkaroon ng isang anak na doktor. Naluha ako sa tagumpay na nakamit ng knayang mga anak, ito pala ang naging bunga ng 33 taon niya sa paaralan, niyapak ko si Ma’am at sinasabi kong deserve mo ng magbakasyon. Sumagot siya, di pa kapatid magsisimula pa lang ako dahil natapos ko pa lamang ang buhay sa paghubong sa mga kabataan, ang paglilingkod naman sa Diyos ang sisimulan ko. Maglilingkod kami ng asawa ko sa simbahan tutal wala na kaming ibang pagkakaabalahanan pa.

Mabilis na natapos ang Dalawang linggo, bakante na ang mesang palaging may masayang mukha na sasalubong sa iyo, wala na ang taong hindi man nagkukuwento ng mga nagawa niya sa kapwa, puno naman ng maraming tao ang naglalahad ng kanyang mga kabutihan.

Iniwan niya sa akin ang koleksyon ng mga aklat niya, nagulat ako 3 kahon doon mo makikita ang kanyang karunungan dahil mahilig talaga siyang magbasa. At ito ay pilit kong tinutularan dahil sa tuwing magbabasa ako pakiramdam ko kasama  ko siya at tinatapik ang balikat ko.

Nalulungkot man ako, binalikan ko ang sinabi niya, “huwag kang malungkot sa pag-alis ko, sa tuwing hahanap ka sa salamin, maaalalaa mo ang bawat gurong makikilala at makakasama mo” oo nga humanap ako sa salamin at nangiti ako naibulong ko “salamat ma’am”.

Palubog na naman ang araw, nilingon ko uli ang pintuan ng aming paaralan 2 taon na lang aalis na rin ako tulad ni Ma’am masaya ko rin itong iiwan.

 

By: Ireen T. Flores | Teacher ||| |BNHS |Balanga, Bataan