Dedikasyon para sa Misyon

Bawat araw ay nadadagdagan ang bilang ng tao at sa mga taong nagdaan ay patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng populasyon natin, maraming mga magulang kahit bata pa at karamihan pa sa kanila ay single mother ay nag susumikap sila na itaguyod ang kanilang mga anak kahit na hirap na sila ay hindi…


Bawat araw ay nadadagdagan ang bilang ng tao at sa mga taong nagdaan ay patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng populasyon natin, maraming mga magulang kahit bata pa at karamihan pa sa kanila ay single mother ay nag susumikap sila na itaguyod ang kanilang mga anak kahit na hirap na sila ay hindi pa rin nila ito iniiwan, pinupuno nila ito ng pagmamahal upang kahit papaano ay mapunuan ang kulang, subalit meron pa ring mga tao na maiwan lamang ng kanilang minamahal ay akala nila ay sila na ang pinakamalas at katapusan na ng mundo para sa kanila sila ay nagiging makasarili at nakakalimutan na nila ang anak nila at ang mga responsibilidad na kailangan nilang  gampanan.

Nasa sa tao kung magpapatuloy ba sila o hindi ang dedikasyon ay madaling sabihin ngunit  hindi madaling magawa, nasa sa iyo kong paano mo makikita ang bawat bagay paano mo ito haharapin at paano mo papahalagahan kung ano ang mga mayroon ka.

Minsan ay hindi mo maiintindihan ang mga bagay na nangyayari sa paligid mo, madaming naghihirap sa mundo pero kung seseryosohin mo ang gusto mong gawin ay sigurado na may magagawa ka kung hindi man ngayon ay sa ibang araw o kaya naman ay sa mga darating pang panahon at huwag kang matakot na magkamali dahil isa lamang ito sa mga aral na makukuha mo sa iyong napakahabang  paglalakbay.

Mga misyonero, narinig mo na ba ang salitang ito? Sila ang mga tao na nag papalaganap ng salita ng diyos, Bakit nila ito ginagawa? Dahil gusto nila na lumaganap pa ang salita ng diyos para magkaroon ng isang mapayapang mundo, sila ay isa sa mga maituturing mong mga tao na dedikado sa kanilang ginagawa, kahit kailangan nila pumunta sa ibang lugar malayo man kahit na mainit man o umuulan ay hindi sila mapipigilan, nabubuhay sila sa mga donasyon hindi sila humihingi ng kapalit wala silang kita sa kanilang ginagawa, ngunit hindi nila ito mapipigilan dahil dedikado sila sa kanilang ginagawa at sa kanilang pinaniniwalaan.

Ano mang kabutihan ang ginawa mo ay siguradong pagpapalain ka ng diyos, kung ano ang ginawa mo ay iyon din ang babalik  sa iyo, huwag kang maging parang bata na kumilos na parang ikaw na ang pinakamalas na tao sa mundo, kung may problema ka ay harapin mo kahit gaano kahirap ay may pamilya ka na masasandalan, kahit gaano ka man kalayo tumakbo ay hahabulin ka pa rin nito pinapatagal mo lamang at higit sa lahat ay hindi lamang ikaw ang maaapektuhan kaya mas maaga ay solusyunan mo na ang iyong problema.

By: ANATALIA P. VIOLETA SCIENCE TEACHER