Sa panahon ngayon ay sigurado na halos wala nang halaga ang piso sa mahal ng bilihin, hirap ng pamumuhay at iba pa.
Ang piso ay maliit pero pag napagsama-sama ay lumalaki ang halaga ang nabibili nito noon ay kendy, tigpipisong tsitsirya at iba pang junk foods sa tindahan, kadalasan ay ginagastos ng mga tao ang kanilang pera sa sigarilyo, alak at iba pang luho na akala nila ay nagpapagaan ng kanilang pakiramdam pero sa totoo ay ito pa ang nakakasira sa kanilang kalusugan.
Nabubuhay ang mga tao kung paano nila gusto kahit na alam nilang mali ay nag papatuloy pa rin sila dahil kahit na sa panandaliang kaligayahan ay hindi na nila pinapansin ang mga negatibo na maidudulot sa kanila ng kanilang mga ginagawa, yung pera na ginastos nila ay sana binigay na lamang nila sa mas nangangailangan kaya naman ay ginamit nila sa mas mabuti pang paraan para kahit papaano ay umunlad ang kanilang pamumuhay.
Sa dami ng taong lumilipas ay patuloy pa rin ang mga tao sa pamumuhay, kahit na sobrang hirap na ng sitwasyon nila ay parang balewala sa kanila ang nangyayari sa paligid nila pero kung damay sila o isa sila sa mga naagrabyado, ginagawa nilang libangan ang pag inom, paninigarilyo at iba pa upang kahit papaano ay maibsan ang hirap na nadadama nila, ngunit masama kung sobra na, hindi masama na kahit paminsan minsan ay tumakas ka sa katotohanan ngunit kapag masyado na matagal ay mahihirapan ka nang makabalik pa sa halip na ilustay mo ay ipunin mo ang perang meron ka, dadating din ang pagkakataon na mag papasalamat ka at nag ipon ka dahil minsan ay may mga panahong hindi mo inaasahan.
By: ANATALIA P. VIOLETA SCIENCE TEACHER