Pinaghirapang Barya

Napakaraming tao sa mundo, karaniwan sa mga tao ay sumuko na lamang at hindi na naghangad pa ng mas mataas na estado sa buhay, tambay na napakaraming oras sa buhay sa halip na magtrabaho ay nakahiga, umiinom o kaya naman ay nag bubulakbol na lamang at ginawang walang silbe ang sarili. Ibat-ibang klase ang mga…


Napakaraming tao sa mundo, karaniwan sa mga tao ay sumuko na lamang at hindi na naghangad pa ng mas mataas na estado sa buhay, tambay na napakaraming oras sa buhay sa halip na magtrabaho ay nakahiga, umiinom o kaya naman ay nag bubulakbol na lamang at ginawang walang silbe ang sarili.

Ibat-ibang klase ang mga tao pero hindi mo pa rin maitatanggi na meron pa ring mga tao ang hindi sumusuko sa buhay para sa mga mahal nila kahit na hirap na hirap na sila sa buhay ay tuloy pa rin sila sa pagtratrabaho kahit na barya barya ay hindi sila sumusuko, dahil kahit ang piso basta’t naipon ay dumadami nasa sa iyo na lamang kung paano mo ito gagamitin.

Sa maliit na halaga ay kaya mo na mabuhay ng ilang araw magtrabaho ka ay mabubuhay ka ng mas matagal kapag hindi ka sumuko ay mabubuhay ka hanggang sa huli, pero pag sumuko ka ay mamamatay ka ng kaawa-awa, kaya naman ay napakaraming kaaway o walang nakamit na anuman sa buhay.

Sa loob ng isang araw ay hindi mo maiiwasang gumatos ng pera pero kapag nagtipid ka at ginastos ng tama ang pera ay pwede kang yumaman ng hindi mo inaasahan.

Mahirap man o mayaman imposible na mangyari ang lahat ng ganoon na lamang kadali, kahit maliit ay kayang lumaki  kailangan lamang ay konting tiyaga at panahon, kahit maliit na bata sa pagtanda ay lalaki kahit piso pag nadagdagan ay pwedeng maging million, ang dami mong puwedeng gawin iyon ay nakadepende na lamang sa iyo kung may gusto ka ay paghirapan mo kahit sa mahirap sa simula ay pag nakuha mo na ang gusto mo gagaan na rin ang lahat para sa iyo sana pag nakamit mo na ang talagang hinahangad mo ay maramdaman mo ang pagka kuntento sa puso mo.

By: ANATALIA P. VIOLETA SCIENCE TEACHER