Ang pagkakaroon ng mataas na edukasyon ay saligan upang mabago ang takbo ng lipunan tungo pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang dapat na piliting maabot.
Ang edukasyon ang daan tungo sa matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, hindi magkakaroon ng matatag na pundasyon ang edukasyon. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ang magdadala sa mga inaasam na pangarap.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay sa kasalukuyan, hinaharap at kinabukasan. Ito ang mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuting pangyayari sa ating mundong ginagalawan.
Ang edukasyon ay kailangan ng mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang panahon kung saan nila hinahasa ang kaisipan sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad.
Ang kabataan ay nararapat magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng mga programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas para maharap ang mga bagay na kaakibat sa kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay sa kanila ang lahat ng edukasyon upang maabot nila ang mga pangarap na nais matupad.
By: Jose Mari R. de Leon | Teacher III | Bataan National High School | Balanga, Bataan