“Seek First and Understand”ay isang kasabihan sawikang Ingles na may kinalaman sa
Ang pakikinig ayon kay Nunez, isang manunulat “ang sining ng pakikinig ay dapat matutuhanng lahat kung nais nating higit pang maunawaan ang mga bagay at mga pangyayari ng nagaganap sa paligid sa araw-araw.
Ang suliranin sa bawat isa sa atin ay iniisip natin na palagi tayoang tama. Nais nating tayo ang palaging pakinggan. Baki hindi tayo making sa iba upang malaman natin ang laman ng kanilang isipan at kalooban.
Ang sabi ni Gini Graham Scott, ang emphatic listening ay isang uri ng pakikinigna kung saan nakikinig ang kausap dahil gusto mong maunawaan ang iyong kausap. Nadarama mo ang nadarama nila.Angpakikinig na emphatic ay ay hindi lamang narinig o naunawaan ang iyong kausap. Ang sabi ng mga eksperto, sa pakikipagtalastasan o komunikasyon, sampung(10) bahagdan lamang ang ating mga ginamit na salitaang kumakatawan saating pakikipagtalastasan, talumpung (30) bahagdan naman ang kumakatawan ng nagamit na tunog, at animnapung(60) porsyento naman ang parasa galaw ng ating katawan.
Sa emphatic ay hindi lamang tenga ang ginagamit. Gamit din natin ang mata, at higit sa lahat, ginagamit din natin ang puso.
Ang mabuting pakikipagtalastasan ay sangkap sa lahat ng uri ng relasyon—katrabaho, mag-asawa, mag-kaibigan, sa pangangalakal at iba pang sitwasyon na may kaugnayan sa kapuwa tao.
Mga guro, dapat nating tandaan na hindi sa lahat ng oras tayo ang tama, bakit di muna tayo making, maging siya ay kapuwaguro, estudyante, o pinuno. Ang sabi nga ay di dapat agad sabihin na tayoang tama, dahil tayo ay guro, Kung mali ka,tanggapin mo. Sabihin mong mali ka, aminin mo ito, at manghingi ka ng paumanhin.
Sanggunian:
Tapalla, Wilma. The Inner Qualities of A Man. Woman”s Home Companion 25(40): 39
By: Shiela G. Ocampo | Teacher II | Justice Emilio Gancayco MHS | Orion, Bataan