Magandang araw para sa akin, para sakanya kaya? Malamang hindi.Sa araw-araw na ginawa, bat sa tingin ko masama ang iba don. Bakit? Dahil sa sobrang daming gawain, sa sobrang daming ipapasa, at dahil kailangan magreview dahil sa quiz. Hay! Project? Ayon sobrang hirap. Quiz? Ayon sobrang haba. Yun lang ba ang dapat pagtuunan ng pansin? Sana isipin ng iba na madami pang dapat gawin sa paaralan at bahay, sana man lang dumating ang isang araw na kain at tulog naman ang inaatupag naming, yung tipong magiging tahimik buhay namin.
Masayang umaga na wala munang gagawin, pagpasok ko sa paaralan ng unang araw ng klase, akala ko masaya at isa ito sa di makakalimutang pagkakataon. Pero tama pala na hindi nga ito makakalimutan dahil sa sobra sobrang gawain, na yung tipong hindi na naming magawang mag-enjoy, hindi naming magawang magpahinga, at lalong hindi naming magawang matulog ng maaga pero sige na nga salamat nalang sa lahat, wala naman na nasimulan ko na.
By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan