Napakarami nang mga nalathalang babasahin at mga nagpahayag tungkol sa usaping Era of Communication Revolution o Age of Information, at ang iba naman ay gumagamit ng katawagang Digital Age.
Ang pagdating ng mga makabagong teknolohiya na nagdulot ng makabagong paraan sa pagbibigay o paghahatid ng mga impormasyon ay nagdulot ng mga makabagong paraan sa paggawa ng bawat isa sa iba’t-ibang mga bagay.
Halos lahat na yata ng mga asignatura ay gumagamit ng teknolohiya. Sa kasalukuyan ang pagtuturo ng mga paksa o aralin sa loob ng silid aralan ay ginagamitan na halos ng lahat ng makabagong teknolohiya. Isa na ditto ang asignaturang Filipino.
Sa mga pananaliksik, sinasabing mas gagamitin ang teknolohiya sa mga darating na panahon sa lahat ng mga organisasyon, at isa na dito ang sector ng Edukasyon.
Iba’t-ibang uri ng teknolohiya ang maaaring gamitin sa subject na Filipino. Katulad din ng ibang asignatura ay napadadali ang pagkaunawa sa paggamit ng mga ito.
Sa paningin ng mundo sa kasalukuyan ay mapatataas pa ang antas ng literasi kung ang pagtuturo ay gagamitan ng mga makabagong teknolohiya. Sa paggamit ng kompyuter, ay napadali nito ang pagtuturo ng mga makrong kasanayan na pagbasa, pagsulat, pagpapahayag at pakikinig. Tunay na ang pagdating ng Digital Age, ay nakatulong upang mapalawak pa ang kaalaman sa ika-21 siglo. Dahil ditto ang mga mag-aaral ay dapat na ding magtaglay sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.Sinasabing guro ka man o mag-aaral ay mahuhuli ka sa takbo ng panahon kung di ka marunong gumamit ng computer. Sa panahon ngayon ay di mapapasubalian ang kahalagahan ng teknolohiya para sa mga paglutas ng mga suliranin, makakuha ng mga impormasyon para sa mga takdang-aralin at upang makipag-ugnayan sa mga guro at ibang kamag-aral.
Dapat paghandaan ng mga guro ang kanyang mga aralin at ito ay higit na mapalilinaw pa sa tulong ng teknolohiya, ang guro ng 21st century ay handa sa pagkakaloob ng literasi hindi lamang sa Filipino kundi maging sa ibang asignatura. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay malilinang ang pagkamalikhain at pahkamasining. Nalilinang din nito ang pagkakaroon ng mga kasanayan higher order thinking, at magagawa niyang masiyahin ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
Ang karunungan at kasanayan sa paggamit ng computer ay maituturing na malaking tulong na upang ikaw ay umangat sa iyong pag-aaral. Ang kaalaman sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay malaking tulong sa pagkilala ng mga malalaking suliranin, sa pagkalap ng mahahalagang impormasyon at magamit ang mga impormasyong ito sa paglutas ng mga kinakaharap nag a mahahalagang usapin.
Sa asignaturang Filipino ay magagamit ang teknolohiya bilang springboard para sa mas malawak pang pagkatuto.na ang pinaka-pokus ay ang mga mag-aaral. Sa ganitong kalagayan ay kailangan din ng mga guro na magtaglay ng mga kasanayan sa mga makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng kaalamang ito ang mga guro ay makaaagapay sa mga kinakailangang mga kasanayan para sa ika-21 siglo.
At pag taglay na ng mga guro, ang mga kaalamang ito ay matutulungan niya ang mga mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa pakikibagay, pakikipag-ugnayan, pagkamalikhain at pagkamakasining, mga kritikal na pag-dedesisyon at tamang proseso ng interaksyon sa kapuwa ganun din ang resposibilidad na panglipunan.
Ang teknolohiya ay maaaring pantulong sa mga aralin sa paggamit ng word processing at writing sa mga content areas at isa na dito ang asignaturang Filipino. Ganun din ang multimedia,magagamit ito sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t-ibang proyekto. Ang word processing and writing ay malaking tulong sa paghahanap ng tamang impormasyon, pagpo-format, pag-eedit o pag-wawasto ng mga sipi, paglalathala at paggawa ng mga diagram, charts at graphs.
Tinutulungan ng mga guro na maitaas pa ang literasing functional ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ay panahon ng pagsulong sa pagkamulat ng mag-aaral. Kaya mga guro, subukan nating mas madalas magamit ito. Ngunit dapat nating tandaan na ang mga teknolohiya ay mga gamit lamang ,di nila kayang palitan ang kayang gawin ng mga guro sa wastong paghubog ng mga mag-aaral
Mga Sanggunian:
Valarao,C.V. Technology as the Enemy. Educators Journal, March, 2006
M. A. R. Orencia Literacy and technology integration, The RAP Journal vol. XXX (2007)
By: Lilian L. dela Rosa | Teacher III | Samal National High School | Samal, Bataan