Maraming mga guro, mag-aaral, mga magulang maging ang mga karaniwang mamamayan ang sumasangkot sa usaping kalian dapat gamitin ang salitang “Filipino” at kalian naman dapat gamitin ang salitang “Pilipino.”
Iba’t-ibang kasagutan ang makukuha sa usaping ito. Halimbawa, ang salitang Filipino ay ginagamit kung ito ay patungkol sa pangalan ng asignatura at ang isang taong native ng bansang ito ay isa namang Pilipino. Ang isa pang ibinibigay na kahulugan sa salitang Filipino,ito ay patungkol sa mga mamamayan at kultura ng bansang ito. Kung tatanungin naman ang mga taong nagbibigay ng ganitong pakahulugan sa mga salitang ito ay sasabihin nilang ang mga ito ay sabi at opinion ng kanilang mga propesor sa UP, PNU, DLSU ai iba pang kilalang mga pamantasan na tinanggap naman bilang mapanghahawakan na katotohanan.
Pakinggan naman natin ang sinasabi ni Efren R. Abueg, isang prize-winning na manunulat sa Filipino at magaling na nobelista sa Liwayway Magazine at iginagalang na propesor sa mga kilalang unibersidad. Napakaraming reporma na sa larangan ng edukasyon sa mga nakalipas na panahon. Ang mga kautusan at mga kurikulum ay patuloy na nagkakaroon ng pagbabago. Ngunit nakalulungkot isipin na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa sapat ang mga tiyak na kaalaman sa pagitan ng Filipino at Pilipino.
Kaya nagkakaroon ng kalituhan sa gamit ng Filipino Vs Pilipino ay ang usapin ng pagkakakilanlan o identity sa wikang ingles. Ang pangunahing suliranin ng wikang “Filipino” ay ang pagkakakilanlan. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2013, ang Filipino ay ang wikang ginagamit para sa komunikasyon, pasalita man o pasulat, ng iba’t-ibang grupo sa bansa. Dahil ito ay isang wikang buhay, mabilis itong lumaganap sa pamamagitan ng araw-araw na paggamit nito. Ginamit din ito sa mga pananaliksik at diskursong akademiko: Tuluyang kinilala nito sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 13-39, noong ito ay kilalanin bilang Pambansang Wika sa Konstitusyon ng 1987.
Ngunit hindi lahat ay nakabasa nito o naipaliwanag ito kung bakit itinuring itong Pambansang Wika. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin lubos na nauunawan kung bakit Filipino ang baybay ng Wikang Pambansa. Sa kabilang banda naman,patuloyna ginagamit ng iba ang salitang Pilipino para sa katawagang patungkol sa Wikang Pambansa.
Kasabay sapagpapatupad sa kasalukuyang kurikulum, ang K to 12 program, ay naglalayon din ito na mabawasan ang kawalan ng trabaho ng maraming mga kabataan at ang mga magulang naman ay maihanda para sa labindalawang taon ng pag-aaral kasabay halos karamihan ng ibang mga bansa sa mundo.
Sa pagsisimula pa din ng K tp 12 ay ang implementasyon ng Mother-Tongue-Based Multi-lingual Education (MTB – MLE). Labing siyam na mga wika sa iba’t-ibang panig ng bansa ang pinasisimulan para sa pagtuturo ng Kindergarten hanggang Grade 3. Marami ang nagtatanong kung ano kaya ang epekto nito sa magiging gamit ng Filipino at Ingles.
Ang K to 12 ay nag-iwan ng katanungan: Makatutulong ba ito sa Filipino bilang Wikang Pambansa na tutulong para sa sistema ngating edukasyon? At ang Pilipino naman ba ay mananatiling katumbas ng Tagalog? Makaaapekto ba sa paggamit ng wikang Ingles o wikang Pilipino ang paggamit ng Mother Tongue, kagaya ng Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Bicolano, Waray. Aklanon, Bahasa Sug ,Maguindanaoan, Maranaw, Pangasinense,Tagalog, at Chabacano.
Marami ang nagtatanong ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa ebolusyon ng Tagalog, ngunit marami pa din ang di makapagbigay ng mga tiyak na kasagutan.
Marahil ay panahon na upang ating tanggapin na ang mga salita ay may sariling buhay, na ito ay nagpapalipat-lipat mula sa isang kultura papaunta sa isa.
Sanggunian:
Abueg, Efren R., What about Filipino ? Phil. Panorama, Manila, August, 2015
Almario, Virgilio, S. Why Filipino is ‘Filipino’ Philippine Panorama, Manila, August 2, 2015
By: Lilian L. dela Rosa | Teacher III | Samal National High School | Samal, Bataan