PAGBABASA NG AKLAT, UNTI UNTING NAGLALAHO

Sa pagpasok ng era of communication revolution, marami ang nakapansin na kumitid ang bilang ng mambabasang Filipino at marahil ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon sa kabila ng papali-palit ng kurikulum; at bunga na rin sa bilang ng suplay ng mga babasahin, sa isang bansa at sa malawak at malalim na kontribusyon ng…


Sa pagpasok ng era of communication revolution, marami ang nakapansin na kumitid ang bilang ng mambabasang Filipino at marahil ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon sa kabila ng papali-palit ng kurikulum; at bunga na rin sa bilang ng suplay ng mga babasahin, sa isang bansa at sa malawak at malalim na kontribusyon ng pagbabasa sa iba’t’ibang aspeto ng lipunan. Sa kabilang banda, magiging hamon sa mga guro at intelektwal ng bansang ito na isulong ang malawakang sining sa pagbabasa. Ang susi ay nasa pagpapataas sa kalidad ng edukasyon at pagpapataas ng porsyento ng nakatatapos sa paaralan.

          Isa pang mahalagang dahilan kung bakit unti-unting nawawalan ng interes sa pagbabasa ng mga aklat ang mga kabataan ay ang pagkalulong  nilasa Internet at mga gamit tulad ng Cellphones, Smartphones at Tablets na nagiging dahilan ng kawalan ng interes sa pagbasa ng mga aklat.

          Kung nais nating mga magulang na matutong magbasa at matuto ang mga bata at magkaroon ng isang bansa ng mambabasa at mag-aaral, ay dapat nating maunawaan na kung ang bawat tao ay magbabasa, ang susunod na hakbang ay pagkatuto. Sa pagbabasa ay nagkakaroon ang isang bata ng pag-iisip na kritikal at pagkamalikhain.

          Ang sining ng pagbasa ay maisusulong lamang kung may mga bagay na babasahin.  Dito pumapasok ang papel ng mga intelekwal na magsulat sa wikang Filipino dahil sa kasalukuyan ito ang nauunawaang wika ng mga ordinaryong Filipino sa proseso ng globalisasyon kung may may magsasalin ng mga bagong inobasyon at teknolohiya ng globalisayon sa mga ordinaryong Filipino.

          Ayon kay Tullao,Jr, propesor sa iba’t-ibang kilalang pamantasan, kapag natugunan ang mga pangunahing materyal sa pangangailangan kasama ng pagbabago at pagpapalawak nito ay mabibigyang saysay nito ang kahalagahan ng pagbabasa.

          Isa pa ring paraan upang mahikayat ang mga bata na magbasa ay ang Makita nila ang mga magulang o mga kapatid na mas nakatatanda na magbasa.  Mga magulang, bakit di natin subukang isama sa ating badyet sa oras at pinansiya ang pagbabasa ng kahit isang diyaryo sa Filipino man o sa Ingles?  Sa ganitong paraan ay unti-unti nating mahihikayat an gating mga anak na magbasa tungo sa isang bansang may mataas na antas ng literasi.

Sanggunian:

Tullao Jr.T.S. Pagbasa at pag-unlad. RAP Journal,Vol XXX, Manila, Oct. 1997

By: Lilian L. dela Rosa | Teacher III | Samal National High School | Samal, Bataan