Sa tuwing nakakakita ako ng isang batang salat sa kaalaman, bilang guro maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan na sa huli ang naiiwan dito, isa ba ako sa hindi humasa sa talino ng batang ito?
Mula sa sarbey lumalabas sa mga naunang taon 52% ang naging resulta ng ating National Achievement Test na sa sumusunod na taon naging 44% na lamang. Lubos na nakababahala ang patuloy ng pagbaba ng antas ng pag-unlad sa larangan ng edukasyon.
Sa mabilis na usad ng panahon, lumalabas na bawat taon may tatlong daang bata ang dumadaan sa kamay ng bawat guro upang bigyan sila ng kaalamang magtataas sa lebel ng kanilang pag-aaral kung gayon, ilan kaya dito ang totoong naturuan mo?
Maraming dahilan kung bakit humihina ang sistema ng edukasyon at mabagal ang pag-unlad nito. Una na marahil ang kawalan ng disiplinang pansarili kaya sa pag-aaral ay ganoon din. Sinasabing kapag ang kawayan ay pinipilit mong ituwid kapag ito ay magulang na tiyka ito ay mababali.
Kung gayon, kalian ba ang wastong pagtutuwid? Saan ba ito magmumula? Naniniwala akong ang pundasyon ng pag-uugali ng isang bata ay nagsisimula sa tahanan. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paghubog sa kawastuhan ng pag-uugali ng isang bata, kaya naman kaming mga guro ay hirap ng iwasto ang mga ugaling dala dala na nila sa labing limang taon ng kanilang buhay.
Sa kasalukuyan, kapansin pansin na balewala na sa ilang kabataan ang pagsasabi ng masasamang salita, nagiging bukambibig na nila ang salitang “Bobo”,” Tanga” at “Gago”. At ang masakit ang mga pagmumura na sa wari`y kinasanayan na nila.
Hindi lang pagsasalita ang nabago, gayon din ang libangan ng mga mag-aaral, ang dating larong nakahiligan katulad ng tumbang preso, harangang batis, sungka at iba pa na paway halakhak at masayang usapan.
Nauso ang mobile legend na kapag natangay sa paglalaro ang bata magugulat ka sa lakas ng pagsasabi ng masamang salita.
Hindi tulad ng sinaunang mga laro ng tiwala sa sarili, mabuting pagkakaibigan at ugnayan ang nangingibabaw.
Ang bawat isa sa atin ay may malaking bahagi sa ating lipunan, katungkulan nating bigyang pansin at pananagutan ang isat isa dahil hindi tayo maaaring mabuhay na ang iniisip lang natin ay ang ating mga sarili.
Katulad ng layag na gumagabay sa isang bangka upang makapunta ng ligtas sa paroroonan. Lahat sana tayo ay maging mabuting tagaakay ng ating kapwa.
By: Soren Loviza O. Espiritu | Teacher I | Bataan National High School | Balanga City, Bataan