Ang mga gulay ay nagbibigay ng maraming bitamina sa ating katawan na ating kailangan upang labanan ang iba´t ibang uri ng karamdaman. Ang mga taong mahilig kumain ng gulay ay mas malulusog, malalakas at walang karamdaman. Ito ay napatunayan na sa maraming pagsusuri.
Kaya ang Paaralang Elementarya ng General Lim ay kaisa ng pamahalaan sa pagtataguyod ng programang Gulayan sa Paaralan. Tunay na maraming pakinabang sa gulayan sa paaralan. Dito makakakuha ng mga sariwang gulay at prutas na direktang pinipitas sa gulayan at maging ng mga halamang gamot na nakatutulong sa mahihirap nating kababayanan na walang pambili ng gamot sa kanilang mga simpleng karamdaman. Gayun din ang Gulayan sa Paaralan ay nakatutulong sa ilan naming mag-aaral na may mababang timbang kung saan sila ay isinasailalim sa Feeding Program.
Bukod pa dito nakatutulong ang Gulayan sa Paaralan sa pagpapanatili ng kagandahan ng ating Inang Kalikasan. Ang mga nagluluntiang mga dahon ay nagbibigay ng sariwang hangin. Ang mga puno ay nagdudulot ng lilim sa sinumang nais magpahinga.
Ito ang mga pakinabang at benepisyo ng aming Gulayan sa Paaralan.
By: AMELIA F. RETUTA | General Lim Elementary School | Orion, Bataan