Isa kang huwaran sa talinong angkin,
Iyong pagsusumikap ay mahirap tupdin,
Pagmamahal moý may kaakibat na mithiin,
Na maging matagumpay sa larangang tatahakin.
Paghihirap moý di mapapantayan,
Pagsasakripisyo moý tunay na kabayanihan,
Serbisyo moý may kalakip na katapatan,
Upang kabataan ay may maliwanag na kinabukasan.
Tunay nga at karapatdapat na maging bayani,
Taglay mo ang katauhang kapuri-puri,
Sa lahat ng bagay hinding-hindi ka papahuli,
“Para sa bata, para sa bayan” ang motto sa sarili.
Guro, sana kayoý mapansin,
Departamento ng Edukasyon sanaý unahin,
Upang dekalidad na kaalaman ay maihain,
Sa bawat kabataang may pangarap na gustong abutin.
By: Mrs. Lady Jean V. Gatdula | Teacher I | Bataan National High School | Balanga City, Bataan