Ina ang unang guro ng bawat munting anghel sa kanilang tahanan.
Guro, ang pumapanday sa paglawak ng isipan ng mga mag-aaral.
“Mali ka Inay Kay teacher lang ako makikinig , siya ang tama. !” Karaniwang eksena sa tahanan ang mga litanyang ito, sa mga ina , ama ng tahanan kung nagtuturuan sa leksyon ang magulang.
Masakit minsan , isipin na mas pinaniniwalaan ang mga guro kaysa sa kanilang sariling magulang.
Mataas na pagtingin.
Sadyang dumarating ang panahon sa buhay natin na ang mga anak , pagtuntong ng kabataan ay naghahanap na ito ng grupo na kanilang kakasamahin, o bubuo ng kaibigan na kanilang masasandalan sa panahon ng kanilang malikot na katawan at isipan.
Di na tulad nang dati na kaulayaw mo sila sa lahat ng oras , dito na papasok ang tungkulin ng isang ina , sa paggabay sa kanyang mahal na anak.
Guro… ina…
Pangalawang ina sa paaralan ang guro, kasama mo sa maghapon, hindi lamang aralin ang handang ibigay .
Kasama rito ang pagtingin sa mga mag-aaral na alamin ang kanilang kalagayan sa buhay, pamilya.
Mga kwento .
Mga salaysay na di mo mapapaniwalaan , walang makain, walang baon, dahop sa pagmamahal. Ang gurong tagapayo nakikinig lamang, damang dama ang kanilang pangagailangan.
Sa nais ng guro, na maibasan ang kalungkutan ng bata, tatayong ina sa kanyang mga pangangailangan, ibibigay ang pagkain, baon, sa abot ng kanyang makakaya, at higit na marami ang pagpapahalaga at pagmamahal na nais nitong makamtan. Ganito ang ina, ang guro ,…pareho lang ..
Sa panahong naliligaw ng landas ang mag-aaral, nariyan ang guro sa pagsawata sa mahal na mag-aaral, pilit na pinaiiwas sa masamang landas, maagang pakikipagrelasyon na maaring maging sanhi ng maagang pag-aasawa.
Dakila ang ina sa tingin ng kanyang anak, sa pagtitiyaga nitong matupad ang pangarap sa bawat anak , handang magsakripisyo , magtiis ng hirap , mapagtagumpayan lamang ang mga pangarap.
Dakila ang mga guro, sa kanyang mga mag-aaral. Kasabay ng trabaho ay naibabahagi ang konting panahon at pagtingin sa mga itinuturing na anak sa paaralan.
Sa selebrasyon, ng “Mother’s Day” nakatutuwang isipin na maraming anak ang bumabati sa kanilang ina.. kasabay sa pagbati ang kinikilalang ina sa paaralan… isang pagbati na hindi mo makakalimutan , dahil may mga nagpapahalaga o munting balik lamang sa ginawa mo sa kanilang iyong itunuring na pangalawa mo ring mga anak sa paaralan.
Hindi lamang sila kasama sa iyong pagtulog sa bahay. Kasama mo sila palagi sa iyong isipan, kaulayaw mo sila sa iyong puso , Guro tulad ka ng isang ina.. Guro .tulad mo’y isang ina
Guro… Ina … Ina …guro…
By: Sandee C. Olubia | Teacher – III | Bataan National High School