Malaki ang responsibilidad o pananagutan ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral, at sa kanyang pagtuturo, at paghubog sa pagkatao ng kanyang mga mag-aaral. Nagtuturo din sila ng kagandahang-asal sa kanilang mga mag-aaral, katulad ng isang tunay na magulang.
Ang mga guro ay itinuturing na pangalawang magulang o “surrogate parent” o “locus Parentis” ng mga Ginagabayan niya ang mga ito upang lalo pang maging mabuting bata at upang lalo pang matuto.
Ngunit sa kabila nito, bakit may mga batang nagpapakita ng kakaibang ugali o panggugulo sa loob at labas ng silid-aralan. Ayon sa mga sikilohista ay may malakas na impluwensiya ang mga gurong may matataas na layunin o hangarin sa kanyang mga mag-aaral na lingid naman sa kaalaman ito ng ibang mga guro. Ang mga mataas na ekspektasyon ng mga magulang sa kanyang mga anak o maging para sa kanilang mga sarili. Nakapagbabago din ng asal ng isang mag-aaral kung siya ay nahihirapan sa pakikisama sa ibang tao o mga kamag-aral.
Isa pa din na dahilan sa pagbabago ng ugali ay ang madalas na pagbibiro sa kamag-aral na humahantong sa bullying. Mayroon din naming pansariling pagkabahala ang bata na nauuwi sa pagbabago ng ugali, kagaya ng kakayahang maitaguyod o maipagtanggol ang sarili. Pagiging malungkutin ( depressed ), agresibo, mainitin ang ulo, medaling magalit, mahirap pakitunguhan o pakisamahan ng ibang tao. Ang mga batang mapaghamon at nangangailangan ng ibayong atensiyon ay dapat ding pag-ukulan ng atensiyon.
Hindi dapat magsawa ang guro sa pagsubaybay, paggabay, sa kanilang mga mag-aaral upang lumaki silang mabubuting mamamayan, may mabuting pagkatao at maging responsibleng mamamayan at may malaking takot sa Diyos.
Sanggunian:
Wikipedia, the Free Encyclopedia
By: Jackielou B. Guinto | Teacher III | Samal National High School | Samal, Bataan