Pssssssssst…. Oo.. ikaw nga..
Ilang beses na ring nabigo sa pagkilala at pagturing ng isang tunay na kaibigan.Maraming kaibigan pero iisa ang “kaibigan”..at ikaw nga..ikaw yun aking KAIBIGAN.. Nang dahil sa iyo gumaan ang aking buhay. Ikaw ang nag-ambag ng mumunting kaligayahan sa tuwing ako’y tumatakas sa mapait na biro ng tadhana. Sa mga pagkakataon na inakala ko na nag-iisa ako sa laban. Sa tuwing ako’y may hihilingin munting ngiti muna iyong ihahatid at sabay sabi.. “ sige para sa iyo, para mapasaya kita”…at manipis na halik sa noo. Alam kong lagi kang nandyan para sa akin at nangakong laging nakaantabay sa oras ng aking pagluha..Iyong balikat aking sandalan at iyong haplos ang nagpapaginhawa sa aking pakiramdam. Sabi ko nga ikaw ang “charger ko”,kumbaga sa cellphone pagmalapit nang maglobat binibigyan mong buhay, ikaw ang nagbibigay ng panibagong kulay …BFF halos ikaw ang nakakalam ng lahat nang nagyayari sa buhay ko, pamilya, trabaho, emosyon, pisikal at pagiisip (stress)…
Hindi ko alam paano masusuklian ang lahat ng ginawa mo para sa akin..Kung napapaligaya din kita, kahit papaano ba eh natutumbasa ko ang lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa akin..Napakaswerte ko sayo at ako ang tinuring mong special sa buhay mo sa kabila ng kamalditahan, ultok, tantrums, at kademandingan ko…BAKIT NGA BA? Lagi kong tanong sayo “Paano mo nga ba natagalan ang isang katulad ko..at isang simpleng ngiti at di ko alam lang ang iyong tugon..”WALANG SAGOT SA TANONG, KUNG BAKIT KA MAHALAGA…
Sa pagkakaibigan aking naramdaman ang higit na pagpapahalaga at pagtanggap ano o sino ka man sa buhay ng isang tao.Hindi mahalaga kung anong maisusukli mo sa nagawa niya para sayo kundi ang malalim na pagkakaibigan na mananatili sa istorya ng buhay at iyong pagkatao.
KAIBIGAN na parang buhangin sa iyong palad na kahit anong lakas ng hangin, hindi mo hahayaang mawala at liparin sa iyong palad…
By: RAMIRA R. JULIAN | T-I | Bataan National High School