Bulag….
Malabo ang mata.
Nagkalat , nasisipa , natatapakan.
Basura …nagkalat, nakikita , pero wala lang, bale wala.
Iyan ang sitwasyon ngayon , basurang nagkalat ,walang pakialam ang mga mag-aaral . Tapon dito, tapon doon
Nananalatay sa dugo ang pagmamahal sa pagtuturo.
Isang dekada, dalawang dekada ang nakalipas at higit pa, pero nasaan ako, sa lugar na napapansin kong hindi ko dapat na kalagyan.
Nakapagtatampo, nakakainis, wari ko’y mundong nagtaksil sa akin.
Naibuhos ko ang kalakasan sa pagtuturo, kasipagan… kakisigan at higit sa lahat kaalaman na di ipinagkait sa mga kabataang umaasa sa atin.
Dumarating kusa sa puso ng isang tao, sa isang guro na tulad ko ang isang pagtingin sa sarili , na bakit hindi umuusad ang bangka na aking sinasakyan ?
Gayong , sa aking pagkakaalam, isa ako , sa panahon ko , na nakikibaka sa anumang laban sa paaralan.
May ngiti sa labi na bumabalik sa paaralan, taas noo sa mga katunggali sa Dibisyon ng Bataan. “Oo, panalo tayo, dahil ito ang alam kong salita , dahil ito’y alay sa paaralan na aking pinaglilingkuran.
Kay saya ko
Laging nakangiti sa paaralan, ganyan ang turing sa akin, dahil dama ko pa rati ang tiwala sa sarili, subsob pa rin sa trabaho, masaya ang pakiramdam na maraming mag-aaral ang natutunan,at napapasaya sa bawat taong lumipas ng pagtuturo.
Kasama ko ang ilang guro na dating kaibigan, may lumisan sa paaralan at ang iba pa nga ay tuluyan nang lumisan sa hangganan ng buhay.
May mga gurong di naiangat ang sarili, MT-1 sila sa turing! Mamamatay na Teacher –I ! nakakalungkot di ba? Ganito ba talaga ang buhay ? Ito na ba sistema? Nakakalungkot lang,!
Bulag…..
Totoo kaya ang papel ? o drawing lamang?
Di ako makausad sa pakikipagtunggali sa kakulangan kaya talaga ng papel o sadyang naungusan na aking dating kisig, ?
Pero sa pagkakaalam ko , di-naman , naging panlaban ng paaralan , may naipakita at may naipanlaban ?
Bulag kaya o Malabo ang mata?
Marahil nasa akin din ang pagkukulang , bakit di ako nagtanong? Malaya ang ating bansa, walang bayad ang mag-usisa.
“Kapatid, saan kaya nagmula ang mga papel na naiprisinta ?” Sana lang ay totoo…
Sana lang sa iyong pag-angat, walang masasaktan.
Pero ngayon nais kong iparating na isa ako sa biktima ng ganitong pangyayari.
Sa aking pagtatanong , hindi lamang dito ito nangyayari, nangyayari sa lahat ng paaralan sa mga gurong , nais umangat sa kanyang kinalalagyan….
Tama na mangarap , kaibigan, pero , nais ko lang sanang ipadama , na sana bawat pag angat mo sa lupa , tiyakin mo lang na wala kang natatapakan.
Sana di malabo ang inyong mga mata ,
Makita ninyo ang tunay,
Sa inyo, sana di ka naman nakakasipa ng kapwa, alam mo nakakasakit ka .
Tulad ng basura, nagkalat, nasisipa , natatapakan.
Hiling ko lang sana di mo ito maranasan .
Isang hinaing ng guro na nais ipahatid sa lahat. Sana ……
Sana mawala ang mga basurang nagkalat sa paligid ….. ng wala nang matapakan… ..nang luminis din an ating pakiramdam.
By: Gemma Manalo | Teacher – III | Bataan National High School