Guro? Sila yung mga pangalawang magulang ng mga bata, katulad ng isang magulang hindi sila pare-parehas. Maraming kang makikitang iba’t ibang klase ng guro kung papansinin mo ito. Ano ano nga ba ang mga ito?
Una, may mga gurong strikto pagdating sa klase sila yung mga gurong kinaayawan ng mga estudyante dahil sobrang seryoso at hindi mo mabiro. Sila din minsan ang dahilan kung bakit ayaw pumasok ng mga estudyante.
Pangalawa, may mga gurong mabait sila naman yung mga gurong gustong gusto ng mga estudyante dahil kaya nilang gawin ang gusto nilang gawin dahil sa mabait ito at nakakapagbiro pa sila sa harapan nito. Sila ang dahilan kung bakit may mga masasayang estudyante na pumapasok.
Pangatlo, may mga gurong grabe ang malasakit sa kanyang mga estudyante, sila yung mga gurong Makita lang nilang malungkot o masama ang pakiramdam ng kanilang estudyante ay di na mapakali. Sila yung parang nanay o tatay mo na nag-aalaga sayo.
Pang-apat, may mga gurong palakwento ng kanilang talambuhay, sila yung mga gurong uubusin ang oras ng klase para lang ikwento ang kanyang talambuhay. Sila ang mga paborito ng mga tamad na estudyante dahil wala silang gagawin kundi ang making lang dito.
Panlima, may mga gurong masayahin. Sila yung mga gurong hindi boring dahil puro nakakatawa ang mga jokes niya, dito sa klase niya maraming gising dahil puro sila tawa.
Pang-anim, may mga gurong boring. Sila yung mga gurong hindi marunong magpatawa, sa klase niya ang maraming tulog.
Pampito, may mga gurong tamad. Sila yung mga gurong puro pagawa sa mga estudyante puro pasulat puro paguhit, sila yung mga gurong nakaupo lang at walang tinuturo kung hindi magbilang ng oras at maghintay ng sahod.
Marami pang iba’t ibang klase ng guro pero yung mga halimbawa na binigay ko sila yung mga uri ng guro na di mawawala sa loob ng klase, pero kahit ganyan ang mga guro marami pa ring mga guro na masisipag na iisipin ang kapakanan ng kanilang estudyante.
By: Rizalyn P. Manio | Teacher III | Cabcaben Elementary School | Mariveles, Bataan