IMPLUWENSYA NG PEER TUTORING SA KOMPREHENSYON

Upang lalo pang umunlad ang edukasyon sa Pilipinas ay maraming pagbabago ang ipanatutupad at nararanasan sa kasalukuyan. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang pagpapatupad ng programang K to 12. Ito ay nagsimula noong taong 2012 at isa sa mga layunin nito ay lalo pang umunlad ang edukasyon sa ating bansa.             Isa sa mga…


Upang lalo pang umunlad ang edukasyon sa Pilipinas ay maraming pagbabago ang ipanatutupad at nararanasan sa kasalukuyan. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang pagpapatupad ng programang K to 12. Ito ay nagsimula noong taong 2012 at isa sa mga layunin nito ay lalo pang umunlad ang edukasyon sa ating bansa.

            Isa sa mga asignaturang kailangan ang lubos na komprehensyon ay ang Araling Panlipunan. Halimbawa ay ang mga paksang tinatalakay sa Kasaysayan o mga paksang tinatalakay sa Ekonomiks at ganoon din sa asignaturang Entrepreneurship.

            Ang gawaing pagtuturo ay di-birong gawain. Hindi sapat na maipahayag at maituro ang mga paksang nakapaloob sa kanyang lesson log. Sinasabing ang kahusayan sa pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng naituro, kundi ito ay sa ipinapakitang achievement ng mga bata o mga mag-aaral.

            Ang Peer Tutoring ay isa sa mabisang dulog o istratehiya na kung saan ang mga batang nangunguna sa klase ay maaaring maging katuwang sa pagtuturo sa mga mag-aaral na may mababang  marka. Ito ay puwedeng  pagkatapos ng klase, habang nagkaklase o kahit na bago magklase. Sa ganitong paraan ay maiimpluwensyahan niya ang komprehensyon sa mga aralin na tinatalakay. Sa ganitong paraan ay kasunod ang pagtaas ng achievement rate ng mga batang di gaanong nauunawaan ang mga paksa. Sa panahong ito ay may isang mahalagang paalala, ang guro ay palaging nakasubaybay sa peer tutor at sa mga tinutulungang kamag-aral at kailangan din niyang iproseso ang mga gawain.

Sanggunian:

Tullao, J.S. (2002) Ekonomiya, Tao, Mundo at ang Ekonomistang Guro: Dela Salle University Press, Inc.

By: MICHELLE A. MACALINTAL|TEACHER I|BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL|BALANGA, BATAAN