INGATAN ANG KALUSUGAN

Ingatan ang kalusugan, ang sarili’y pagtuunan, Buhay na bigay sa atin, dapat nating pangalagaan. Tamang pagkain at ehersisyo’y paglaanan, Pagkat iisang buhay lamang, ang sati’y inilaan. Ang bilin ng Panginoon sa atin, Katawan mo ay templo ng pagkatao natin. Mga masusustansyang pagkain lagi mong kainin, Ang sariling kalusugan, lagi mong intindihin. Gulay, prutas, mga pagkaing…


Ingatan ang kalusugan, ang sarili’y pagtuunan,

Buhay na bigay sa atin, dapat nating pangalagaan.

Tamang pagkain at ehersisyo’y paglaanan,

Pagkat iisang buhay lamang, ang sati’y inilaan.

Ang bilin ng Panginoon sa atin,

Katawan mo ay templo ng pagkatao natin.

Mga masusustansyang pagkain lagi mong kainin,

Ang sariling kalusugan, lagi mong intindihin.

Gulay, prutas, mga pagkaing masabaw,

Tulad ng sigarilyas, sitaw, bataw.

Lagi ring iinumin, gatas ng kalabaw,

Upang magsilbing malakas, mata ay malinaw

Ang kalusugan ay kayamanan,

Ang sarili lagi mong iingatan.

Mga pagkaing bawal, iyong iwasan,

Nang sa huli ay wala ka nang pagsisihan. 

By: Rodolfo N. Ariola, Jr.