Teknolohiya! Magandang pamumuhay! Magandang kinabukasan! Ito ang ilang epekto ng teknolohiya. Sa panahon ngayon, marami ang makabagong teknolohiya. Isa ditto ang interactive whiteboard. Ano aang interactive whiteboard? Ano ang epekto nito?
Ang interactive whiteboard ay isang modernong kagamitan na maaaring gamitin sa pagtuturo na may malaking monitor. Ito ay konektado sa prjoctor at sa system unit ng computer. Tulad rin ito ng mga cellphone ngayon na touch screen, na tiyak na ikamamangha ng mga mag-aaral. Mayroon na ito sa maraming paalan ng Pilipinas dahil na rin sa Deped Computerization Program n gating pamahalaan. Ang interactive whiteboard ay nakatutulong sa maraming mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabalik-leksyon. Maganda rin itong gamitin upang maingganyo ang mga mag-aaral sa kanilang tatalakaying aralin sapagkat maipapakita ng guro ang mga larawan at videos na may kinalaman sa kanilang aralin. Hindi na kailangang gamitin ng mga mag-aaral ang kanilang imahinasyon kapag ang leksyon nila at tungkol sa mga makasaysayang pook sa iba’t-ibang lugar, dahil makikita na nila mismo sa interactive whiteboard. Natututo ang mga mag-aaral dahil dito. Masayang maraming natututunan, nalalaman at napapanood. Maganda ba ito sa mga mag-aaral?
Maganda ito sa mga mag-aaral, bukod pa rito kaakit-akit itong gamitin sa mga batang tamad magbasa ng kanilang aralin dahil sawa na sila sa pagbabasa ng aklat. Nabubuhayan sila ng loob sa oras ng lekyon kapag gamit nila ang inter active whiteboard. Maaari rin itong gamitin sa paglalaro na kung saan nakapaloob pa rin ang kanilang leksyon na kapag tama ang sagot ay may maririnig silang sound effect na pumapalakpak . Kaya ano pa ba ang hihingin ninyo ditto ngunit nakakasama rin ito sa pamamagitan ng hindi mabuting paggamit dito. Kaya atin itong gamitin sa mabuting paraan at ipagpatuloy ang pagkalap ng mga kaalaman sa modernong gamit na ito sa pagtuturo.
By: April S. Reyes | T-II | Capunitan Elementary School