Psst! May trabaho ka ba? Gusto mo bang magtrabaho? Kung papipiliin ka, gusto mo bang magtrabaho sa isang kumpanya na magaan ang gawain, maganda ang sistema ng mga namumuno at walang inuuwing trabaho ngunit kakarampot ang sahod? O isang kumpanya na may malaking pasahod ngunit sagad ang trabaho na halos di ka na makakain at madalas kinakailangan mo pang mag-uwi ng gagawin? O ano? Nakapamili ka na ba?
Maaaring yung una ang napili mo. o di kaya ay yung ikalawa. Alin man doon, depende ang lahat sa personal nating mga panununtunan sa pamimili at pagdedesisyon. Walang tama at mali sa alin mang ating mapili. Ang mahalaga lang, masaya ka sa nagging desisyon mo. Dahil sa huli, buhay naman natin ito.
By: Maria Vannessa B. Oconer | Clerk III | Municipality of Limay