K TO 12 : SA PAG-UNLAD BA O PAGLUBOG?

Isa sa pinaka-maingay na pinag-uusapan sa ngayon ay ang bagong kurikulum na K to 12. Ano nga ba ang magiging dulot nito? Kaya nga ba itong panindigan ng bansang Pilipnas? Maraming katanungan sa bawat mamayan. Maraming napapaisip kung para saan nga ba ito. Sabi nila ang K to 12 ay isa sa magiging susi sa…


Isa sa pinaka-maingay na pinag-uusapan sa ngayon ay ang bagong kurikulum na K to 12. Ano nga ba ang magiging dulot nito? Kaya nga ba itong panindigan ng bansang Pilipnas?

Maraming katanungan sa bawat mamayan. Maraming napapaisip kung para saan nga ba ito. Sabi nila ang K to 12 ay isa sa magiging susi sa pag-unlad ng bansa. Ang mga kabataan na inabot ng kurikulum na ito ay ang mga kabataang magsisilbing daan upang mapalago ang ekonomiya ng bansa. Mga kabataang magdadala ng tagumpay hindi lamang sa loob ng bansa ngunit maging sa iba’t ibang panig ng mundo.  Ngunit, sa kabila ng napakagandang kurikulum ay marami pa ring mga mamamayan ang hindi sumasang-ayon dito. Una sa kanilang mga dahilan ay ang haba o tagal ng pag-aaral. Umano, dagdag gastos lamang ang pinatupad nilang ito.

Tayo ay nasa ikalimang taon na nang pagpapatupad ng kurikulum na K to 12. Maraming paaralan ang inaasahan na mapatupad at maging handa dito. Ang iba ay handang-handa na ngunit may mga paaralan pa ring may kakulangan dito. Marami ngang sumasang-ayon ngunit marami pa rin ang tutol. Pero sa kahit ano pa mang opinyon ay narito na tayo sa sitwasyong kailangan nating ipagpatuloy ang nasimulan. Ang bansang Pilipinas ay muling makikipagsapalaran para sa pagbabago at pag-ulad ng edukasyon para sa mga kabataan. Pagbabago para sa kalidad ng edukasyon na umiral sa bansa nang napakaraming taon. Umaasa na lamang ang bawat isa na maging maganda at mabunga ang kalalabasan ng kurikulum na ito. Positibong pananaw ang kailangan upang magkaroon ng positibong resulta sa ginawang hakbang.

By: Angelica V. Tabungar