KABATAAN : NOON AT NGAYON!
“ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN“
( Halaw sa Panitikang Pilipino sa bawat Rehiyon ni Elisa C. Mendoza)
Yan ang mga kataga ng ating Bayaning si Gat Jose P. Rizal.
( Halaw sa Panitikang Pilipino
Nasaan na ang mga kabataan na sinasabing pag-asa ng ating bayan, aking nililimi ang mga kabataan ngayon ay wala sa kabataan noon.
Saan tayo nagkulang? Saan nag-ugat ang lahat ng ganitong kalagayan nila? Maraming tanong na aking gustong bigyan ng kasagutan.
Sa atin bang matatanda? O sa lugar na kanilang kinalagyan? O sa makabago bang teknolohiya? O sa gawi at asal ng mga nakatatanda?
Hindi lingid sa atin na karamihan sa ating mga kabataan ang nasasangkot sa napakaraming krimen .Pagnanakaw, Paggamit ng bawal na gamot, Pagmomolistya
Pagsagot sa nakakatanda , at ang pinaka masama ay ang pagpatay. Mayaman man o mahirap may mga nasasangkot sa mga ganitong krimen.
Papaano natin ito sosolusyunan? Hindi ba parang naisploiled natin sila sa mga buktot na kanilang ginagawa?
Sa paanong paraan natin sila naisploiled simple ” kapag ang ating mga anak ay napagalitan ng ating mga kamag-anak nagagalit tayo o kaya man ipinagtatanggol natin sila “.
Diba , ito ay isang kamalian na ating ginagawa sa umpisa pa lamang ng kanilang buhay. Hindi masama na ipagtanggol natin sila ngunit sa tamang paraan, kung alam na nating
Sila ay nagkamali huwag na nating silang kampihan sa kadahilanang ito ay magdadala lamang sa kanilang kapahamakan.
Hindi masama na itama sila ng mga nakatatanda dahil mas may alam ang mga ito sa tamang pagpapalaki ng mga bata .Bakit ba yung mga kabataan noon makikita mo ang pagkakaiba noon. Pagdating ng hapon ang mga ito ay humahalik at nagmamano pagdating ng alas-sais ng gabi. Pagdating ng alas-sais nasa kanya kanya na silang bahay , nag-iiigib, naglalaba, tumutulong sa gawaing-bahay, at kung may negosyo ang pamilya katulong pa ito. Kapag may matandang nangangailangan ng tulong dalawang kamay kanilang ibibigay upang makatulong sa kapwa.Pagsinabi ng magulang na umuwe ng maaga , ito ay kanilang tutupdin kahit na hindi pa tapos ang kanilang gawain sa paaralan . Dahil noon ang salita ng magulang ay batas na kailangan sundin. Bakit hindi natin ito maisagawa sa kasalukuyang panahon, Siguro natakot tayo na iparanas ang mga naranasan natin noon . Diba napakasarap balikan ang mga asal at gawi nila noon?
Saan tayo ngayon mag-uumpisa upang ang ating mga kabataan ay masagip natin sa mga nakaugalian na nila sa ngayon. Ngayon ito ay isang hamon sa ating mga magulang at mga magiging magulang sa kasalukuyan upang huwag nang dagdagan ang mga kabataang naliligaw ng landas at nagiging batik na ng Lipunan sa ating Panahon!
Sariling Pananaw at Obserbasyon ni:
MENDOZA, EDIESA PAGUIO (Teacher II ) 2019. Bataan National High School
By: Ediesa P. Mendoza | Teacher II Bataan National High School | Balanga, Bataan