KAHALAGAHAN NG PAGBABASA NG MGA MAG-AARAL

              Sa kasalukuyan maraming eksperto ang  naniniwala na nababawasan ang bilang ng mga mag-aaral na nahihilig sa pagbabasa ng aklat, magasin o pahayagan man. Maaaring ito ay nakabatay sa kanilang kakayahang magbasa at sumulat ng may kasanayan. Sa ganitong mga gawain  ay naipapahayag nila ang personal na layunin, kakayahan, pagkatuto at pagkaunawa. Nakikitang  malaki ang…


              Sa kasalukuyan maraming eksperto ang  naniniwala na nababawasan ang bilang ng mga mag-aaral na nahihilig sa pagbabasa ng aklat, magasin o pahayagan man. Maaaring ito ay nakabatay sa kanilang kakayahang magbasa at sumulat ng may kasanayan. Sa ganitong mga gawain  ay naipapahayag nila ang personal na layunin, kakayahan, pagkatuto at pagkaunawa.

Nakikitang  malaki ang tulong  ng mga Reading Centers para sa ibat-ibang asignatura, ngunit lalong higit na kailangan ito sa English at sa Filipino. Ang  mga asignaturang ito ay dapat lamang na may mga nakahandang Reading Program ayon sa lebel, o antas ng pagbasa ng mga mag-aaral, sapagkat hindi maitatangi ng mga guro na may mga mag-aaral pa sa mataas na paaralan, na may suliranin pa sa pagbasa.

         Alam natin lahat na isa sa mga salik upang umunlad ang isang bansa ay nararapat lamang na ang mga mamamayaman nito ay mga nakapag-aral na gumagamit ng tamang pagbasa , pagsalita,pagsulat at pakikinig na makatutulong upang umunlad ang kanilang mga kalagayan sa buhay.

     Kung napapansin ng mga guro na ang mga tinuturaan nila ay tila nawawalan ng gana sa pagbasa at hindi na napapansin ang mga estudyanteng nangagbabasa kung bakanteng oras o walang klase, sa halip ang kanilang mga hawak ay ibat ibang gadgets, marahil ay panahon na upang pagtuuanan nang pansin ang mga ginagawang mga gawain na kailangan ang pagbasa. Kung naapansin na tila ay hindi interesado ang mga mag-aaral, marahil ay panahon na upang tanungin ang sarili, tungkol sa mga ginagamit na mga kagamitang panturo, o mismong ang aralin at akmaan niya ng mga pagbabago.  

Ang suliraning itoay dapat na pagtuunan ng pansin. Bigyan natin muli ng buhay  ang inyong mga Filipino Classrooms.

Sanggunian:

Orencia, M.A.R, Enhancing Pupil’s Reading Comprehension and Attitudes-RAP  Journal Vol. XXVIII (2007)                                                       

 

By: Rochelle G. Paguio | Teacher I-Filipino Department | BNHS | Balanga City, Bataan